*Toot* *Toot* *Toot*
Tunog ng Alarm clock.
"Good Morning!" sigaw sa world pagbangon.
I don't know why pero simula ng makilala ko si Ethan parang mas naging energetic ako at masiyahin.
Freshen up sa banyo sabay ligo while playing "All too well" HUHUHUHU sakit.
Sabay bihis ng cute na uniform ng Lunar High. Baba sa baba at kain time with lola's special..... BULANGLANG.
"Hhmmmnnn.... Amoy pa lang masarap na." puri ko.
"Parang mas naging masigla ka ngaun Apo ahh."-Lolo
"Talaga ba lo?"
"Naisip ko kase na baka hindi niya ako magugustuhan kung matamlay ako."
"Mas bagay sa iyo Apo ang mas maging masigla at masiyahin." -lola
"Huwag kang mag-alala la, dahil susubukan kong magbago."
"O kain ka na." sabay lapag ng gulay ni Lola.
Kumain na ako ng agahan at onwards to school!
"Bye Lo, Bye La." paalam ko.
"Bye Apo."
7 minutes later.......
Papasok pa lang ako ng gate nang "Alllllll" sigaw ni Aira.
"O! bakit?" concerned kong tanong.
"Wala hehehe, namiss lang kita."
"Kinabahan ako sayo ehh." sabi ko.
"Tara sabay tayo." yaya niya.
"Tara."
Habang naglalakad sa hallway, nakita ko si Ethan! magsasalubong kami!
"Kailangan ko siyang batiin! Good luck self"
*inhale* *exhale*
"Good Morning Ethan!" Masigla at buong tapang kong bati.
"..."
Pero nilagpasan niya lang ako!!!!
"May mali ba saken?" paiyak kong tanong kay Aira.
"Marami pang chance ang darating." comfort niya with pat on the back.
"Oo nga! tama ka! salamat Ai"
"Anytime Al."
Classroom......
Aira and I both sat down.
"Ai, balak kong mag confess mamayang lunch." sabi ko.
"Talaga ba! Go ghorl! support kita."
"Salamat Ai."
"Pero paano kung mabusted ka?" tanong niya.
"Alam kong mabubusted ako, pero sabi nga nila, "the early bird gets the worm" kaya habang maaga pa sasabihin ko na."
"Sana ol na lang matapang." sabi niya.
"Try mo din kaya." suggest ko.
"I can't, alam mo ba kung gaano karaming babae ang humahabol kay Ivan (crush niya) at isa lang ako dun." paliwanag niya. "Papatayin ako pag nalaman nilang umamin ako!"
"Sige basta magcoconfess ako mamayang lunch. Btw alam mo ba kung saan siya tumatambay tuwing lunchbreak?"
"Hmmm... D ako sure pero sabi nila sa rooftop daw but sabi-sabi lang yun but anyways check mo pa rin."
"I will."
A few minutes later......
"Good morning class." Bati ni Mam.
"Good morning mam." sagot namin in unison.
"As you all know, the school festival is near so be prepared." paalala ni mam. "And the exams are coming kaya mag-aral na kayo, I expect high scores."
"School festival? walang ganun sa school namin noon kaya excited na ako."
After that nag lesson na si mam.
Lunchbreak.......
"rooftop.... rooftop.... rooftop.... rooftop" the word kept replaying in my head habang papunta sa rooftop. "Nakabukas ang pinto."
Nakatayo sa tapat ng pinto ng school rooftop ang isang babaeng kabado pero excited.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nilabas ang ulo para sumilip. Walang laman ang rooftop at walang Ethan, ang nandoon lang ayy si Ivan.
"Ano ba yan Ai, baka nalita ka sa chismis tungkol kay Ivan at Ethan."
"Ummm..... Alam mo ba kung saan si Ethan?" tanong ko.
Tumigil siya sa pagkain at humarap sa akin.
"Sino ka?" tanong niya pabalik.
"Ahhh Alexa Lopez, 17 from class 1, bagong transfer ako at tinulungan niyo po ako para mahanap ang teacher's office." pagpapakilala ko.
"Ahhhh the new girl."
"Anyways, alam mo ba kung saan si Ethan?" tanong ko ulit.
"Ethan Perez?"
"Yup"
"Ethan Perez...... Lagi ko siyang nakikita sa garden malapit sa bldg. 4" sagot niya.
"Building 4 got it, thanks." paalis na sana ako nang muli siyang magtanong.
"Why are you looking for Ethan?"
"Ahhh hahaha wala, may sasabihin lang." sagot ko. "K bye....."
Tumakbo ako thinking "Hindi niya naman nahalata dba? feeling ko naman hindi ako namula at I tried my best to hide it."
♠♠♠
"Building 4..... Building 4..... Building 4.....Aha! ayun! next is Garden and the garden nearest aayyy yun! found it."
Lumakad ako papunta sa garden and spotted Ethan kumakain mag-isa ng convenience store bought bread.
Tumakbo ako sa kaniyang tabi at "Hi"
Hindi niya ako pinansin at dumeretso lang sa pagkain.
"Alam mo bang masama sa kalusugan ang laging pagkain ng convenience store foods" warning ko.
"Wala kang pakealam at huwag mo nga akong kausapin." Naiirita niyang sabi.
"Huwag ka namang ganyan."
Umisod siya, syempre umisod din ako, umisod ulit, umisod din ako.
"Ethan I love you!" sigaw ko.
Lumipat siya sa kabilang bench, lumipat din ako.
"Sabi nang I LOVE YOU EHH!" mas malakas kong sigaw.
Lumipat siya sa kabilang bench, lumipat din ako sabay sigaw ng ngayong mas malakas na I Love you! Naogpatuloy ito hanggang sa umabot kami sa last bench.
"I love you nga kase! mahal kita!" Hingal kong sabi dahil pagod na ako.
"PWEDE BANG TUMAHIMIK KA NA!!!" naiirita niyang sigaw.
oooppss nagalit na siya.
Tumakbo siya paalis, syempre hinabol ko.
"Ba't ka ba tumatakbo! sabi nang mahal kita." sigaw ko kahit pagod na.
"Layuan mo nga ako."
"Ano ba! sabi nang mahal kita.
Nagpatuloy ang aming habulan hanggang sa malibot na namin ang buong campus at nauwi sa room nang matapos ang lunchbreak.
My goal for this past few days is saying I love You for 3 days.
Day 1 complete with a total of 653 I love You's
Day 2 ........ START!
Unang kita namin sa gate.
"Huy! Ethan! Mahal kita!" sigaw ko sa harapan ng iba pang mga studyante para malaman nila na sa akin lang si Ethan.
Nakita kong nairita siya dahil after these days mas naintindihan ko siya at mas narealize ko kung gaano ko siya kamahal really! Alam na alam ko na ang mga ekspresyon niya.
Habang naglalakad sa hallway papuntang room.
"Ethan, sabi nang mahal kita!" sigaw ko pero patuloy niya lang akong hindi pinapansin.
"Seryosos ako promise!" sigaw ko ulit pero wala pa rin. "I love You!"
Pagpasok sa room.
"Attention everyone! Akin lang si Ethan kaya huwag na huwag niyo siyang susubukang akitin!" announcement ko!
"Huhuhu deep inside gusto ko talagang umiyak dahil sa sobrang hiya! pero kailangan, sawa na akong mahiya, ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sayo Ethan."
Nagsitinginan sila sa akin at kay Ethan. Si Ethan na mukhang puno na, kinuha ang kamay ko at dinala ako sa empty storage room.
"Lord! hinawakan niya kamay ko!"
"Ano ba problema mo!?" seryoso niyang tanong.
"Hindi ba obvious? gusto kong magustuhan mo rin ako." seryoso ko ding sagot.
Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.
"Lord pwede mo na akong kuwain."
"Look! Never kitang magugustuhan at dahil sa pinaggagawa mo na ito, mas naging malabong magustuhan kita." sabi niya sabay alis.
Nanghina ang aking mga binti at napaupo na lang ako dun dahil sa sobrang kilig.
"Hindi ako susuko!" sigaw ko kahit nakalabas na siya pero sure ako na narinig niya yun.
Day to complete (barely) with a total of 709 I love You's
Day 3 (Final).......... Starts.
Dahil sa ginawa ko kahapon, mabilis na kumalat ang balita na may gusto ako kay Ethan, may mga natuwa dahil sa aking katapangan at may mga nairita dahil sa aking kayabangan pero konti lang yun HAHAHAHA.
Lunchbreak.........
Nasa bleachers kami kumakain ngayon ni Aira dahil naglalaro ng basketball si Ethan! feeling ko patay na patay na ako sa kaniya HAHAHAHA possesive yarn? Pero okay lang, gagawin ko lahat mahalin niya lang ako.
"Ethan! nice shot! mahal kita!" sigaw ko dahil naka 3 points siya.
"Ethan nice steal! Love you!" sigaw ko dahil naagaw niya ang point.
"Nice dribble! Sa akin ka na lang!"
"Shut up!" sigaw niya tas biglang nag ring ang bell.
Nairitang bumalik sa room si Ethan. Konting push na lang self mafafall na rin yan.
Gym class (Joint exercise with class 3)
"Okay, class 3 will be joining us for a joint exercise." panimula ni coach. "We will be having a three-legged race competition against each other, the two man teams will be decided by a simple draw lots and I already have them prepared."
Tiningnan ko ang paligid para hanapin si Gabriella, class 3 siya dba? After a few minutes of searching nakita ko na siya and our eyes met pero syempre tinarayan ko siya.
Pagtapos nun nag draw lots na kami, I got number 8, hindi ko makita number ni Ethan pero sana partner kami. Sinilip ko mga number ng katabi ko, nakita kong 3 at 2.
"Okay sino ang dalawang nakakuha ng number 2?" tanong ni coach.
"tskk. hindi ako yun." isip ko
Tumaas ng kamay si Ethan!
"Huh? 2 si Ethan! wait 2?"
"Ak-" tatas na sana ng kamay ang katabi ko nang kunin ko ang papel na hawak niya at pinalit ang sa akin.
"Ako coach!" masaya kong bigkas at mukhang walang nakakita.
Tumingin sa akin si girl at dinurusan ko na lang siya na senyales na "ikaw na ang 8." Wala siyang nagawa kaya tumahimik na lang siya.
"Masyado na ba akong nagiging bully?"
After a few minutes the teams assigned prepared.
"Hi Ethan!" masaya kong bati.
"Ugh, bakit pa ikaw."
"Destiny tawag dun." sagot ko.
"Shut up and let's just get this over with."
"Syempre! sisiguraduhin kong mananalo tayo." determinado kong sabi.
"Okay line up!" sigaw ni coach.
Tinali na namin ang aming paa to each other hehehe at humanay na. One of the best feelings ever.
After a few minutes the competition started, teams and teams ran at ang score ay 2-1 in our favor.
"Next!" sigaw ni coach at kami na yun.
"Okay sino kaya kalaban namin."
Tumingin ako sa kanan at nakita si Gabriella with her partner.
"Gabriella, I'll be sure to take you down."
"Start!" sigaw ni coach.
Nagsimula na silang tumakbo pero bakit kahit anong galaw ko ayaw umisod? Tiningnan ko si Ethan at nakatayo lang siya na para bang gusto niyang manalo si Gabriella.
"Not on my watch."
Tumakbo ako with all my power kahit ginuyod ko ba siya. Natumba si Ethan at tumakbo ako mag-isa habang hinili ang paang nakatali sa akin. Hmmnn kahit ganito mukha ko madami akong nabasang libro about body strengtening kaya proud ako sa aking physical strength at will power.
Naabutan na namin este ko sina Gabriella, she looked alarmed, with all my strength ginuyod ko si Ethan hanggang finish line at Yey! nanalo kami!
"Take that Gabriella *evil laugh*"
"Aray." sabi ni Ethan habang bumabangon.
"Ethan nanalo tayo!" masaya kong sigaw sabay yakap sa kaniya pero tinaboy niya ako.
"You mean ikaw, sakit ng likod ko." reklamo niya habang tinatanggal ang tali.
"Ayaw mong tumakbo ehh, yan ang napala mo."
"I'll go rest in the infirmary."
"And the winner is class 1 again." announce ni coach.
Nakita ko si Ethan nagpaalam kay coach at dumeretso sa infirmary.
"Sorry Ethan pero Love you!" sigaw ko na lang.
Nilapitan ako ni Aira at....
"Girl ang brutal nun HHAHAHAHA pero deserved." sabi niya. "Obvious kaya na gusto niyang manalo sina Gabriella."
"Still I think I have to apologize."
"But you really showed Gabriella how determined you are."
"Thanks....."
At home........
"Ughh... I better apologize tomorrow. Alam ko na para classy apology letter."
"Okay decided na gagawa ako bukas ng apology letter."
Day 3 complete (satisfied) with a total of 736 I love You's
A/N: If you're still here maraming salamat sa time at effort na inyong ginawa mabasa lang ang book ko na ito. Please keep reading and supporting and tell your thoughts at the comment section para malam ko ang mga pangit at dapat baguhin. Lots of love and stay safe.