"Huy! Tangi*** baka mabaril tayo dito gago mo." wika ni Caleb na pilit-pilit na pigilan si Yuan na pumasok pumasok sa bakuran ng mga Montenegro kung saan nakatira ang pamilya ni Raine. ''Di mo ba nakita binuksan nila ang gate, takot sila sa akin kaya wag kang matakot." "Tang* mo tara na lasing ka na." ani Caleb na pilit-pilit na hilahin ang kaibigan na ayaw mag paawat. Tuturuan daw nito ng leksyon ang biyenan nitong lalaki masyado daw paki-alamero sa love life ng anak. Galing sila sa party ni Travis pero puro pag tungga lang ng alak ang alam nito. Napilitan lang s'yang ipag drive ito hanggang sa bahay ng parents ni Raine para manahimik na ito sa kakakulit sa kanya, akala n'ya mahuhulasan ito bago sila makarating sa bahay nila Raine. Kaso mas lalo yata itong tinalaban ng alak, na mumuwer

