"Huy! Ano ba para kang gaga girl, na hihirapan na ang make-up artist natin dahil sa'yo." paano kanina pa s'ya minimake-upan pero hindi na matapos-tapos dahil wala na s'yang ginawa kundi umiyak. "lalagyan ko ng glue yan mata mo, tumigil ka na ma lalate tayo. Ipapaalala ko lang sa'yo kasal mo ngayon ha." wika pa ni Paige na parang stress na din sa kanya. "Hindi ko mapigilan na iinis ako." "Hay pigilan mo tayo na lang ang iniintay dun ano ba." wika pa ni Paige. "Ikakasal ba ako bakit wala akong kasama dito, samantalang nung kasal ni Kate at Athena kasama nila ang mga brides maid ako wala." hikbi pa ni Raine na tinawanan naman ni Paige. "Hindi ba kami tao sa paningin mo? turo ni Paige sa nag aayos ng gown na isusuot n'ya. "At Hello ako ang maiden of honor mo." "Hindi naman yun e, ikak

