"Okay ka lang?" tanong ni Raine sa pinsan na si Avery na nasa may pinto ng prenatal school kung saan parehas silang naka enrolled para sa prenatal cardio exercise. Parehas na silang nasa 2nd trimester ni Avery lumingon si Avery sabay buga ng hangin. "Nag mumukha na ba akong kawawa?" tumarak naman ang mata ni Raine parang may hinala na s'ya kung bakit. "Ang dami kasi ng lalaking pipikutin mo bakit ang Picalo na yun pa? Alam mo ba kung bakit Picalo ang tawag ko sa kanya." umiling si Avery. "Kasi s'ya yung tipo ng tao na mabait pero mas pinipiling maging masama alam mo yung mapag balat kayo." "Paano mo ba nalaman na si Kuya Yuan talaga ang mahal mo?" "Tumititbok ang puso ko pangalan pa lang n'ya." "Bakit hindi mo na gustuhan si Ivan? Mas matagal kayong mag kakilala at magkasama." "

