Freya POV
Naririto nanaman ako sa pamilyar na silid.. nananaginip nanaman ako..
Bukas ang malaking pintuan na papunta sa veranda nitong silid at mula roon ay mayroong isang bulto ng lalaki..
"Ano ba talaga ang kailangan mo saakin? ba't kita palaging napapanaginipan??"
Nayakap ko ang aking sarili ng biglang lumamig ang buong kwarto at kitang kita ko ang pagyelo ng ibang kagamitan dito sa loob ng silid..
Hindi ko maaninag ang kanyang mkha dahil walang buwan ngayon sa labas at kakarampot lamang na liwanag ang makikita
"We will meet... SOON"
A-anong ibig nyang sabihin??
"S-sino kaba talaga??" - nanginginig kong tanong
pero hindi nya ako sinagot bagkus ay iba ang kanyang sinabi
"I can't wait to taste your sweet blood"
nanlaki ang mata ko ng makita ang unti unting paglabas ng kanyang pangil at ang pagpula ng kanyang mga mata..
A-anong klaseng nilalang siya??
H-hindi.. hindi ito totoo.. oo panaginip lang nga ito hindi ba??
Unti unti syang naglakad papunta saakin kasabay ng paglabas ng buwan na hugis crescent na unti unti nagbibigay liwanag sa kanyang mukha.. pero bago ko pa man makita ang kanyang mukha ay nagising na ako mula sa aking panaginip
Hinihingal akong napabalikwas sa aking kama
A-ano iyon?? ba't ko na naman iyon napanaginipan??
A-at b-bakit parang totoo??
Nahinto ako bigla sa aking pag iisip ng makarinig ako ng kalabog at mga pagkabasag mula sa baba
Pagtingin ko naman sa orasan ay sakto alas dose na ng umaga.. kaarawan ko na pala!
Muli kong narinig ang mga kalabog sa baba
Ano ba ang mga iyon??
hinawi ko ang aking kumot at inayos ang suot kong manipis na kamiseta bago naglakad papuntang pintuan.. pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay napahinto ako ng makarinig ako ng kung ano mula sa aking bintana.. unti-unti akong naglakad papunta roon habang pabilis ng pabilis ang kabog ng aking dibdib
Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang bintana ng aking kwarto
"Maligayang kaarawan, mahal na prinsesa"
Nanlaki ang aking mata ng makita ko roon sa labas ng aking bintana ung maladyosang babaeng nakita ko noon sa daan
Pero ang mas nakapagpakilabot sa akin ay ang pangil nya at ang kanyang mapupulang mata!!
"Waahhhh!!!"
Napasigaw ako ng bigla nya akong hawakan pero agad nya din naman akong nabitawan ng sunod sunod na may kung anong tumarak sakanya na kung tama ako ay mga palaso iyon
Dali dali akong tumakbo at saka lumabas ng silid
bumaba ako sa hagdan at napahinto ako ng makita ko si tita na mayroong umiikot na tubig mula sa kanyang kamay habang may mga sumusugod sakanyang — mga bampira???
A-ano bang nangyayari?? Nananaginip pa ba ako??
Napatingin bigla saakin ang mga bampira at lalapitan na sana nila ako ng bigla silang napalibutan ng tubig
"Freya!!! Umalis kana!!" - sigaw saakin ni Tita
Kahit gulong gulo ako ay sinunod ko ang utos ni tita at agad akong tumakbo palabas ng bahay
At sa labas ay nakita ko si Zane na parang ng wa-water bender at nakikipaglaban sa mga bampira.. samantalang si Kevin ay walang kahirap hirap na ibinabato ang mga bampirang lumalapit sakanya
Teka! Nasaan si Sky?!
Mukhang naiwan ko siya sa kwarto.. Baka naroon pa ang dyosang bampirag babae. Baka kung anong gawn niya kay Sky!
Kailangan kong balikan si Sky!
Babalik na sana ako sa loob ng may biglang sumugod sa aking tatlong bampira
Pero bigla silang dinakmal ng napakalaking.. Hu?? White fox?? With nine tails??
Ang balahibo nya ay parang kasing puti ng snow at may pag ka kulay bluish ang bandang dulo ng knyng balahibo.. kulay pink ang mga paa maging ang loob ng tenga nito. Kulay asul ang mata at may markang kulay bluish sa noo.. ehh?? T-teka? K-kamukha nya si Sky!!
"My my my.. Hello my dear"
Napatingin ako sa aking kanan ng may biglang magsalita
Isa na namang magandang babae na mayroong perpektong mukha..
Nakapuyod pabilog ang kanyang itim na itim na buhok. At may white feather sakanyang ulo
Napaatras ako dahil sa paraan ng pag ngiti nya saakin
"S-sino ka??"
"Malalaman mo kung sasama ka saakin"
"Frey!!! Lumayo ka sakanya!" - sigaw ni Kevin sabay hagis ng napakalaking bato sa babaeng kausap ko
Pero agad itong nawala sa kanyang kinatatayuan
"Cass sa likod mo!!" - sigaw ni insan
Lilingon na sana ako ng biglang may humawak sa aking braso
"Hinihintay kana ni Haden mahal na prinsesa — ahhhhhh!!!"
nabitawan nya ako at saka sya napadaing sa sakit.. sinundan ko ng tingin kung saan nanggaling ang mga palasong tumarak sa kanyang braso..
Mula sa di kalayuan ay nakatayo ang isang magandang babae na mayroong mahabang kulay dilaw na buhok na may hawak na palaso at mayroong quiver sakanyang tagiliran..
Muli syang kumuha ng isang palaso at saka iyon ipinana paitaas at ang isang palaso ay naging maraming palaso na parang may kulay asul na apoy sa mga dulo nito at ng paibaba na ay bigla iyong nagsilahuan at nakita nalang namin na nakahiga na ang mga bampirang kanina ay kalaban nila insan
sakto naman na lumabas na ng bahay si Tita
"Sugudin sila!!" - sigaw noong babaeng humawak saakin kanina na may white feather sa ulo
Nagsidatingan naman ang mga sandamakmak na bampira mula sa kung saan
Lalaban na sana ulit sila insan ng bigla nalang silang bumagsak sa lupa at saka namilipit sa sakit.. maging yung babaeng tumulong saakin kanina.. maging ako ay bumagsak rin sa lupa at ramdam na ramdam ko ang kakaibang sakit na nararamdaman ko na parang mula sa pinakaloob looban ng aking katawan
P-parang may kung anong nasusunog sa aking loob. Mahapdi. Kakaibang sakit
"The play is over" - nagawa ko pang iangat ang aking ulo upang tignan ang babaeng nagsalita at sya ung dyosang babae kanina na nasa aking bintana
Mapupula ang kanyang mga mata. Siya ba ang dahilan kung bakit kami nakakaramdam ng ganitong klase ng sakit??
Pe-pero paano niya ito nagagawa?!?!
"Hindi mo sya makukuha Kazarina! Hindi ako papayag!"
Sigaw nung babaeng humawak saakin kanina na kasalukuyan ring namimilipit sa sakit maging ang mga ibang bampira
"Kung magawa mo pang makabangon.. alam mo namang limitado lamang ang kapangyarihan ni Haden dito sa mundo ng mga tao"
Ano ba ang pinag uusapan nila?!
Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang panlalabo ng aking paningin dahil sa sakit na nararamdaman ko
Nakita ko rin na nahihirapan na din sila tita maging si Sky na nakasalampak na sa lupa
What kind of birthday it is?? Kung ganito din naman pala.. mabuti pang di nalang dumating ang araw na ito
Mamatay na ba kami? At sino ang mga taong ito? Ahh hindim hindi nga pala sila mga tao. Mga bampira sila!
Unti unti ng naglakad papalapit saakin ang dyosang babae na ang pangalan ay Kazarina. At kita ko naman ang paglapit din saakin ng ibang mga bampirang sa tingin ko ay kakampi ng babaeng ito
"W-wag mo syang la-lalapitan!!"
Nagpumilit pang tumayo si Kevin pero bumagsak lang din sya ulit sa lupa
N
agawa pang magpakawala ng palaso ung babaeng tumulong saakin kanina ngunit nagawang maiwasan iyon ni Kazarina
"Wala na kayong magagawa"
Pero bago pa man sila tuluyang makalapit saakin ay bigla na lamang silang napada ng malakas sa lupa
"Arghhh!! Anong nangyayari?!" - Kazarina na hindi magawang makatayo
Ano ang nangyayari?? Bakit pakiramdam ko biglang bumagsak ang gravity sa paligid!
Di nagtagal ay nawala na ang sakit na nararamdaman ko. Maging sila tita ay nakatayo na din
"Show yourself!!!" - galit na sigaw ni Kazarina
Napalingon ako kay Tita ng bigla siyang magsalita
"Ang unang guardian"
A-ang unang g-guardian??
May biglang tumalon mula sa isang mataas na kahoy na malapit saamin
Isang lalaking mayroong hawak na malaking espada..
Napatingin sya saakin.. ba't ganun?? palagi na lang ba akong hahanga sa mga nakikita kong may perpektong mukha??
Lumiwanag ang kanyang mga tatto sa braso at kamay.. kulay bluish din ito maging ang braso at kamay ng babaeng tumulong saakin kanina at bigla nalang may lumabas na parang shield na bluish sa paligid ko
Ano ito?? A-anong nangyayari?
Kasabay ng pagkabalot ko sa parang shield na ito ay sya namang pagbalik ng gravity sa paligid at nakatayo na rin ulit sila Kazarina at maging ang mga bampira.. agad namang sumugod ung lalaki maging sila tita
Nanlaki ang aking mata ng makitang naglabas ng patalim ung babaeng nagngangalang Veronica at sasaksakin nya sana ung babaeng tumulong saakin ng bigla nalang mapuluputan ng ugat ng halaman ang kanyang kamay
"Are we late?"
Laking gulat ko ng makita ko sila
B-bakit sila narito?? Anong ginagawa nila dito
Bakit narito sila Dion at Kyran???
"And Who are you??" - Veronica habang nagpupumiglas sa mga ugat na nakapulupot sakanya
"A trespasser??" - Kyran
Bahagya nitong inamoy ang hawak na rosas at saka iyon itinapon paitaas.. at nagpaulan ito ng mga tinik mula sa rosas na un at ang bawat bampirang natatamaan ng tinik nito ay agad na nagiging abo
"Hndi ko na ito gusto! ang dami ng mga nakikialam saakin" - Kazarina at saka namula ang kanyang mata
Nag iba naman ang timpla ng mukha ni Kyran. Mukhang ginagamitan ni Kazarina si Kyran ng kung anuman na ginawa niya rin saamin kanina
Pero di nagtagal ay may kung anong barrier ang sumangga sa kapangyarihan ni Kazarina at bumalik na ulit sa dating blanko ang mukha ni Kyran
"Young Lord" lumapit sakanya si Dion
bakas naman ang pagkagulat sa mukha ni Kazarina
"Sino kayo?! At bakit kayo nakikialam?!"
"Leave or you'll die" - Kyran
Wala na ding natitirang mga bampira.. sila Veronica na kasalukuyan pa ring napupuluputan ng ugat at Kazarina na lamang ang natitira
Lumapit na din sa pwesto namin sila tita maging ang dalawang taong nagligtas saakin ngayon na di ko pa kilala kung ano ang kanilang pangalan
"Haixt!! Pagbabayaran nyo na nakialam kayo dito! Kung sino man kayo!"
- Veronica ng matanggal na nito ang mga ugat sa kanyang katawan bago sya pinalibutan ng itim na hangin at saka bigla na lamang naglaho
"Di pa dito nagtatapos ang lahat!"
-Kazarina atsaka lumingon saakin
"Babalikan kita at sisiguraduhin kong pagbalik ko ay makukuha na kita" - dagdag pa nya bago sya mabilis na nawala sa kanyang kinatatayuan
Kasalukuyan pa rin akong nasa loob ng shield
A-ano ba ang mga nangyari?? Hindi kaya nananaginip lamang talaga ako??
Kasabay ng unti unting pagkawala ng shield sa paligid ko
ay un din ang paglamon sa akin ng kadiliman