Naghanda na siya para sana umuwi nang makatanggap naman siya ng tawag sa kaibigan si Julius, nagyayaya ito sa bahay nito para uminom. Darating daw kasi ang iba pa nilang mga kaibigan. Malapit niyang kaibigan si Julius kaya hindi na siya tumanggi pa. Sasaglit lang naman siya sa bahay nito para lang masabi na umattend siya. Isa pa parang nais din naman niyang uminom at makipag usap sa iba, dahil na rin sa nangyayari sa kanila ni Patricia ngayon. Uuwi na lang siya agad para magka usap sila ng asawa at maayos ang gusot nila. Maliit na gusot lang kasi lumalaki dahil kapwa sila hindi nagpapalamang sa isat-isa ng asawa. Hindi niya inaasahan ang kanyang naging aksyon kanina nang makita si Patricia na may kasamang ibang lalake. Hindi niya alam kung bakit galit na galit siya nang makitang nakangiti

