Bago sila nagsimulang kumain ni Congressman dumating pa ang chef na tinutukoy nito dala ang kanilang dessert. Nailang at nahiya pa nga siya nang ipakilala siya ni Congressman sa chef nito. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa siyang ipakilala nito sa chef, eh isa lang naman siyang ordinaryong guest nito. "Kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain," Mikel said matapos magpaalam sa kanila ng chef. Napalunok naman siya at hindi naitago ang pagka interes sa ibat-ibang pagkaing nakaahin sa kanilang mesa. Lahat ng naroon at hindi pa niya natikman sa buong buhay niya. Sadyang magkaiba ang pagkain ng mayaman sa mga mahihirap na tulad niya. "Enjoy your meal, kung may gusto ka pang padagdag just say it, si chef na ang bahala," saad pa ni Congressman sa kanya. "Sapat na ito, masyado na ngang

