Kinabukasan pag gising niya hindi siya agad lumabas ng silid. Nais niyang lumabas na lang pag nakaalis na si Miko. Hindi muna niya ito nais makita ngayon matapos ang nangyari sa kanila kagabi. Hindi siya makapaniwala na nahalikan siya ng asawa sa labi sa kauna-unahang pagkakataon. At sa kauna-unahang pagkakataon naranasan na rin niya ang mahalikan sa labi. Ang tanging masasabi lang niya ay kakaibang experience iyon para sa kanya, sa ngayon hindi pa niya masabi kung ano talaga ang naramdaman niya nang halikan siya ng asawa sa labi, pero isa ang sigurado niya. Nagustuhan niya ang halik nito, pero kinailangan niyang magalit sa asawa para hindi ito makahalata na nagustuhan niya ang halik nito sa kanya. Hindi niya nais na paglaruan ni Miko ang kanyang damdamin pag nakahalata itong gusto din n

