"Are you ok?' Tanong niya sa asawa nang makasakay na ito sa sasakyan. Napansin kasi niyang tila nawala ito sa mood habang naglalakad palapit sa sasakyan nila. Nauna na kasi siyang pinasakay ni Miko sa sasakyan kanina. Napansin nga niyang medyo natagalan ang pagbalik nito. "Yeah,' maiksing tugon nito sa kanya at sinabi sa driver na umalis na sila. Tumango na lang siya at hindi na nag-usisa pa, baka kase nawala na nga sa mood ang asawa at hindi niya nais na mapagbuntungan nito, para sa kanya ang ganda ng buong araw nila at sana hanggang mamayang gabi na. Hindi naman kalayuan ang bahay nila sa university kaya after almost 15 minutes lang nakarating na sila sa bahay. Tahimik silang pumasok ng asawa sa loob ng bahay, halata niyang nag iba ang mood nito, pero takot siyang magtanong, sana na

