Dahil na rin sa ilang araw silang mag stay ni Miko sa townhouse, kaya imbes na magpa deliver ng pagkain nila, niyaya na lang niya itong mag grocery at mamalengke. Para na rin ma experience niyang makasama ang asawa sa mga ganoong lugar na silang dalawa lang. Panigurado naman kasing sa San Juan kung mag grocery sila at mamalengke ng asawa mag security silang kasama. Iba pa rin kasi kung silang dalawa lang ni Miko ang magkasama. "Are you sure kaya mong magluto?" Tanong ni Miko sa kanya habang masaya silang naglalakad sa kalsada na para bang normal na mag asawa sila at nagmamahalan talaga. Nakakawit ang kanyang isang kamay sa braso ni Miko habang ito na rin ang nagbibitbit ng kanilang mga pinamili. "Yes, kaya ko naman, hindi ko lang sure kung masasarapan ka," tugon niya sa asawa. "No doubt

