(Empress Charlene Gail's POV)
Pag ka gising na pag ka gising ko palang ay isang matamis na ngiti na ang natanggap ko mula kay mafi.
"Good morning wifey." Ngiting ngitu sabi nito.
"Good morning too hubby." Husky na pag kakasabi ko.
Napatingin ako sa oras at nakita kong late na kami. Tumayo ako sa pag kakahiga at kikilos na sana ng maramdaman kong masakit ang nasa pagitan ko.
"Wifey ayos ka lang?" Nag aalalang sabi nito. Inalalayan ako nito umupo sa kama.
"Kaya ko hubby wag ka ng mag alala. kailangan na natin pumasok late na tayo." Naka pout na sabi ko.
"hindi tayo papasok alam ko may masakit sayo. Mag pahinga ka nalang muna. Ipag luluto kita ng almusal." Malambing na pag kakasabi nito.
"Ako na kaya ko naman hubby." Parang bata kong sabi dito.
"Ang ganda mo talaga wifey. Lalo na pag suot mo lang ung tshirt ko ." Namula naman ako sa sinabi nito. Ang luwag kasi saakin ng tshirt niya. Itoung sinuot niya saakin kagabi pag tapos namin mag make love.
Hinampas ko ito sa braso nito at pag tapos ay niyakap ko ito. Tinatago ko ung namumula kong mukha.
"Hahahahaha. It's alright wifey ako lang ito." Natatawang sabi nito saakin.
"Bahala ka nga diyan." Sabay higa ko sa kama.
"Kung gusto mo talagang pumasok mag half day nalang tayo. Mag pahinga ka muna ngayon. Mag luluto lang ako." Sabay halik nito sa noo ko.
Naramdaman ko na umalis na siya sa kama at lumabas ng kwarto para mag luto ng pag kain. Napailing iling nalang ako sa inaasal ni mafi. sobrang sweet niya siya ung taong ayokong mawala sa buhay ko dahil di ko kakayanin. Sa ngayon isa nalang ang ipinagdadasal ko at sana pakinggan ito ng Diyos.
Pag labas ko ng kwarto ay nakita ko itong nag luluto. wala itong tshirt tanging boxer shorts lang ang damit nito. Lumapit ako dito at niyakap ito mula sa likod.
"I love you hubby." Sabay baon ng mukha ko sa likod niya. Dahil mas matangkad nito.
Pinatay nito ang kalan at tinggal ang pag kakayakap ko sa kaniya pag tapos ay humarap saakin at niyakap ulit ako.
"I love you more wifey."
-------
(Emperor Mafi Gunner's POV)
Yung ngyari kagabi ang isa sa pinaka masayang araw na ngyari sa buhay ko. Kung meron man akong hihilingin pa ay un ay ang makasal sa babaeng mahal na mahal ko.
pag pasok namin ng school ay mag kasama kami ni Charlene. Nag punta kami ng canteen dahil alam namin na nandun na sila. Pero laking gulat ko na nandun ang Death Assassin at ang White Pheonix Assassin.
Ng makalapit na kami sa kanila ay nag salita si Skyller.
"Alexdra ayan na palang ung fiance mo." nakangiting sabi ni skyller kay alexdra pag tapos ay tumingin saakin. Pag tapos ay nag salita. "Nice one dude ang ganda ng fiance mo bagay na bagay kayo." Hindi ko ito pinansin bagkus ay tinignan ko si charlene na nakayukom ang mga kamay. Sabay tingin ko kay skyller pag tapos ay nag salita.
"Kung gusto mo sayo nalang." Bored ko pag kakasabi.
"Honey bakit mo naman ako pinamimigay akala ko ba mahal mo ako? Kaya nga tayo mag fiance diba?" Maarteng pag kakasabi nito.
"Pwede ba Alexdra wag ako iba nalang! Dahil hindi ko tipo ang mga kagaya mong babae na malandi nakakawala ka ng gana pumasok. Bakit di ka ba bumalik sa pinanggalingan mo ?" cold na pag kakasabi ko dito.
Tinignan ako nito ng masama pag tapos ay si charlene tsaka umalis.
"Dude wag ka naman masyadong masama sa kaniya babae pa rin siya." Pag papangaral saakin ni cloud
"Ayoko sa desperada." Seryosong sabi ko dito.
"Minsan iniisip ko kung bakla ka ba dude. Dahil wala ka pang nagiging girlfriend. " hinagisan ko ng dagger si cloid. sa sobrang inis ko."woahhh easy ka lang dude." pag papakalma nito saakin.
"Para sabihin ko sayo cloid may girlfriend ako!" madiin na pag kakasabi ko sa kaniya.
"WHATTTTTT?" Sabay sabay sabi nila cloid,cloud,skyller, grandel,ethan,spade, at carl.
"Narinig niyo ako diba? May girlfriend ako at matagal na kami." Naiirita kong sabi.
"Woahhhh EMPEROR MAFI GUNNER BLACK ay mag kaka girlfriend parang hindi totoo. Sino ba naman kasing makakatagal sa ugali mo dude? Tahimik, Pikon, masama, at higit sa lahat mamatay tao." Natatawang sabi ni grandel.
Tinignan ko ang pwesto ni Charlene kanina pero nagulat ako ng nawala siya at mas ikinagulat ko ang dagger na tumama sa table namin. Pasalamat nalang ako at walang nakapansin.
Agad na kinuha ko ung dagger at ang sulat na nakalagay dito.
DA,
Gusto niyo na bang mamatay ng maaga DA? Wag na wag niyong sinasabihin ng bakla si mafi! Ako ang girlfriend niya. Ano ngayon ang pake niyo? Tandaan niyo nasa palagid lang ako at nag babantay sa inyo.
Empress Charlene Gail
At pag tingin ko ay nandun na ulit si Charlene kumindat lang ito saakin at nailing iling lang ako.
Nakita kong umalis sina gilbert,cloud at carl baka may pupuntahan sila. Agad na tinignan ko ang DA na nakatingin saakin.
"WHATT?" naiinis kong sabi sa kanila.
P
"Kanino galing yan mafi?" Naka kunot noong tanong ni Grandel.
Agad kong inabot sa kaniya ang sulat at binasa ang nasa sulat. Sapat lang para marinig namin.
"S-si em-empress a-andito la-lang?" Nauutal na sabi ni Skyller. Malamang ay natatakot na ito dahil alam niya na pag nag banta si Charlene ay tototohanin nito.
"Mafi kayo na talaga ni Charlene?" Naka kunot noong tanong ni cloid.
"Matagal na." bored na pag kakasabi ko.
"Paano?" Nag tatakang tanong ni Grandel.
"Secret." Sakto naman na nag bell na kaya hindi na sila nakapag tanong pa.
Nag hiwalay hiwalay na kami ng way papunta ng classroom tanging kami nalang ni charlene ang mag kasama. Ng madaanan namin garden na walang tao ay pinaharap ko ito saakin at tsaka nag salita.
"Thank you wifey hindi mo alam kung gaano mo ako napa saya dahil sa ginawa mo. Hindi ko aakalain na sasabihin mo sa kanila na tayo na." tinapik lang ako nito sa balikat pag tapos ay mag lakad na ulit kami papunta sa classroom.
Kung tutuusin ay gusto ko ng ipaalam na kami pero ayaw lang nito dahil sa kaniyang mga plano pero ngayon na sinabi niya sa DA na kami ibang kasiyahan ang nararamdaman ko.
---
(Emperor Charlie Sean's POV)
eto na ang araw na hinihintay ko dahil ngayon araw ko na tatanungin kay charlene kung maaari ko ba ito maging girlfriend.
May laban kami ngayon sa basketball to be honest championship namin ngayon at kasama si mafi siya ang team captain namin. Pero ngayon lang siya mag lalaro.
Alam ng buong basketball team namin ang plano at lahat sila ay masaya para saakin pwera lang kay mafi na walang pake.
---
(3rd Person)
Naiinis si mafi sa sarili niya dahil wala siyang magawa para pigilan si charlie sa balak nitong gawin. Naiinis siya sa sarili niya dahil nag seselos siya dahil dapat siya ang gumagawa ng ganun hindi si charlie.
"Ilang araw ka ng ganyan hubby ano ba talaga ang problema?" Nag aalalang tanong ni charlene kay mafi.
"Mamaya pag tapos ng game ay may inihanda para sayo si charlie. Tatanungin ka na niya kung pwede ka niya maging girlfriend wifey please say no." Naiiyak na sabi ni mafi dahil hindi niya na alam ang gagawin niya dahil sa labis labis ang selos na nararamdaman niya.
Nakita naman ni charlene sa mga mata ni mafi ang selos. niyakap niya ito at pag tapos ay nag salita.
"Im sorry hubby pero alam mong kailangan ko ito." Malungkot na pag kakasabi ni charlene sa kaniya.
Agad naman nasaktan si mafi sa sinabi ni charlene. Umaasa siya na papayag ito na wag ng ituloy ang plano nito kay charlie.
"Ayos lang let's go malalate na tayo." Seryosong sabi nito.
Hinayaan nalang ni charlene na maging ganun ang inaasal ni mafi. sumunod nalang siya dito at sumakay sila sa sasakyan.
Tahimik lang na nakasakay sila sa kotse.Hanggan sa dumating sila sa school ay walang nag sasalita sa kanila.
Napabuntong hininga nalang si charlene. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin pero isa lang ang alam niya. Tama ang gagawin niya mamaya. Ito ung makakabuti para sa kanilang dalawa. He loves mafi so much kaya gagawin niya to.
Pag ka baba nila ng kotse ay wala parin silang imikan. Dumeretso na si mafi papunta sa locker room nila.
-----
(Empress Charlene Gail's POV)
"Ano na ang balak mong gawin char?" Naka kunot noong tanong saakin ni mark. Siya ang kasama ko ngayon dito sa may garden. Dahil mamaya maya pa naman ang start ng gami nila.
"Hindi ko alam. Pero gusto kong gawin ung tama." Nakangiting sabi ko sa kaniya.
"this time charlene do the right thing he deserves to be happy and you deserves to be happy too. Both of you deserves to be happy." Nakangiting sabi ni mark saakin.
Ito ung gusto ko kay mark. Kapag siya na ung nag salita laging tama di naman sa lagi pero madalas.
"Thank you mark. " tumayo na kami upang makapunta sa court dahil mag sisimula na ang laban.
Pag pasok namin sa court ay nag sisimula na ang laban. Pero nagulat ako ng makita na lamang ang kabilang team. Mabilis na pumunta kami ni mark sa upuan namin sa may unahan para makita kung anong ngyayari.
Sakto naman na abutan ko na mag shoshoot si mafi pero sablay.
Mafi what's going on with you? Focus please.
Tumingin ito saakin pero puro lungkot ang makikita mo dito. Mahalaga ang game na ito para kay mafi ang i know that.
tanging si charlie lang ang nag dadala. Nakita kong tumawag ng time out ung coach nila. At nakita ko na pinapagilatan siya dahil sobrang laki ng lamang ng kabila 6-26. 1 min nalang tapos na ang first quarter.
Nakita kong nag walk out si mafi at lumabas ng court na puno ng bulong bulungin ang buong court.
"Go char kausapin mo na siya." Nag nod lang ako sa kaniya pag tapos ay umalis na ako sa court.
Alam ko kung nasaan si mafi ngayon. Agad na nag punta ako sa garden pero para akong nghina sa nakita ko. Nakayakap si mafi at si alexdra sa isat isa habang umiiyak si mafi.
Mabilis na umalis ako sa garden. Laking pasalamat ko nalang na walang naka kita saakin. Pinunasan ko ang mga luha ko at bumalik sa court na parang walang ngyari.
Pag balik ko ng court nakita konv dikit na ung laban. Magaling si charlie sa pag lalaro ng basketball. Simula bata palang kami ang hilig na niya ito.
tumingin saakin si mark at binigyan ako ng ngiti. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya.
Nakita kong tumingin si charlie saakin pag tapos kumindat bago ishoot ung bola.
Malapit ng matapos ang 4th quarter at hindi na bumalik pa si mafi. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nag eenjoy siya sa kasama niya.
madaming nag sisigawan ng matapos ung game ng mapatingin ako kay mark binigyan niya ako ng isang mapagtanong tingin.
laking gulat ko nalang ng pag tingin ko sa court ay biglang nag form ung mga tao ng isang hugis puso at ung basketball team ay mahawak ng card na nag sasabing WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?
May nag abot ng mic kay charlie na agad naman niyang kinuha.
"Charlene Lopez simula ng makilala kita binago mo ung buhay ko. I dont know kung bakit unang kita ko palang sayo parang mahal na kita agad. Sa ilang buwan kitang niligawan mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na mahal kita. Kaya charlene lopez will you be my girlfriend?" Kasabay ng tapos ng pagsasalita niya ay siya rin dating ni mafi. Napatingin ako sa kaniya pero agad na tinignan si charlie. Ng may malaking ngiti sa mga labi.
Tinignan ko si mark at nag nod lang ito saakin. Bumuntong hininga ako bago magsalita.
"Im sorry charlie pero hindi ung sagot ko." Pag tapos kong sabihin un ay agad akong lumabas ng court nakita ko pa ang pag tulo ng mga luha ni charlie. Nakaganti na ako sayo charlie. Napahiya na kita sa harap ng maraming tao nasira ko na kayo ni Christine. Isa nalang ang kulang sayo un ay ang kamatayan mo.