Gone "Maam, we're here!" Buhay na buhay na sabi ng driver. Napatingin ako sa kaniya at napakurap-kurap. Mahigit tatlumpong minuto din ang byinahe namin. Humugot ako ng isang libo at iniabot sa kanya. "Keep the change." Nakangiti kong sabi. "Maraming salamat po, Maam. Good luck sa iyong misyon. Fighting!" Maligaya niyang sabi. Napatawa ako sa sinabi niya. Mabilis akong bumaba at sinarado ang pinto nakita ko pa si kuya na sumaludo sa akin kaya ginawa ko din siya. Tumalikod na ako at narinig ang papaalis na makina ng sasakyan. Malamig ang hangin at nakakakilabot na aura ang bumalot sa akin. Biglang gumapang ang takot sa dibdib ko. Hindi gaano madilim ang sementeryong ito at hindi rin nakakatakot ngunit sa pangalang sementeryo ito ay nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko. Dahan-dahan akon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


