Not --------------------------------------------------- Maaga akong gumising dahil may lakad kami ngayon ng kambal kasama si Carl. Adventure na naman daw kaya for sure mahabang lakaran na naman ito. "Kierro! Kierra! Are you not yet done?" I shouted. Nasa banyo pa sila hanggang ngayon at hindi ko alam kung natutulog ba sila doon o naliligo. Mabilis kong tinungo ang banyo dahil sa walang sumagot sa tanong ko. "Kierro!" Sigaw ko habang kinakatok ang pintuan ng banyo. Sunod-sunod na katok ang ginawa ko pero wala pa ding sumagot. Huminga ako ng malalim at pumunta sa kwarto ko para kunin ang mga susi. "4:50 A.M." Basa ko sa oras. Sobrang aga pa talaga kaya hindi na ako magtataka kung inaantok pa yung dalawang iyon. Lecheng Carl bakit ba sobrang aga? Bumalik ako sa banyo at binuksan i

