Andrew's POV
Masayang nagkukulitan kami sa hapag kainan nang biglang may tumawag sa cellphone ni Carol.
Parepareho kami na tigilan at hinayaan namin sagutin ni Caroline ang tawag nang bigla na lang nagbago ang reaction nito.
Napuno ng pag-aalala ang mukha nito, at nakita ko ang malaking takot sa mata niya.
Nagsimula ang panginginig niya, at kasabay noon ang pagtayo niya sa kinauupuan niya at mabilis na nagtakbo sa sala.
Nagkatinginan kami dalawa ni Alfred saka ko sinundan si Carol. Pagdating namin sa sala ay nakita ko ang cellphone niya na nakatapat pa rin sa tenga niya kaya inagaw ko iyon para sagutin ang tawag.
"Hello? Hello, sino ka?" Kausap ko sa kabilang linya ngunit hindi ito sumasagot.
Agad ko pinatay ang tawag at mabilis na niyakap ko siya para mabawasan ang pangamba niya .
Matapos ko siyang yakapin ay inakay ko ito paupo sa isang mahabang sofa at dahan-dahang iniiupo ko siya doon.
Samantalang si Alfred naman ay nasa isang pang-isahang sofa.
"Anong nangyari? Bakit takot na takot ka? Sino ang kausap mo kanina?"
Mabilis na nag-unahan ang luha nito pababa sa pisngi niya kaya agad ko hinawakan ang kamay nito.
"Sabihin mo sa akin ano ang problema, Caroline? Wag kang matakot para matulungan ka namin."
"Si kuya, tinawagan niya ako. Alam niya na narito kayo; binalaan niya ako na papatayin niya kayo dalawa."
Agad ito humagulhol ng pag iyak kaya agad ko siya niyakap ng mahigpit.
Hinimas-himas ko ang likod nito habang siya ay nakasandal sa aking dibdib.
"Wag kang mag-alala, hindi mangyayari yan."
"Kaya niya gawin iyon dahil muntikan na niya patayin si Alfred kanina. Kung hindi pa dumating ang mga pulis, baka nakuha na niya ako at baka napatay na niya si Alfred."
"Mukhang hindi na safe ang lugar na ito para sa atin , kaylangan na natin umalis," wika ni Alfred.
"Pero saan tayo pupunta?"
"Ibabalik ka namin sa Manila at dadalhin kita sa mansion ng mga magulang ko."
"Hindi pwede baka madamay sila."
"Secured ang bahay na iyon kaya wag kang mangamba."
"Mabuti pa iuwi mo muna siya at ako na muna ang bahala maghanap sa gago lalaki na iyon."
"Hindi ! Baka kung ano ang mangyari sayo, Alfred."
"Wala mang yayari masama sakin isa pa damay na rin ako dito. Tingnan mo nga at puro na ako bangas.
Wag kang mag-alala, tiwala ako kay Andrew; hindi ka niya pababayaan .
Secured ang bahay ng mga magulang niya kaya safe ka doon at hindi ka nila pababayaan."
"Andrew , mabuti pa tawagan ko na ang piloto ko para masundo na nila tayo.
Ako na bahala magpahanap sa mga tao na iyon."
"Salamat, Alfred, tunay na kaibigan kita!"
"Kung hindi lang kapatid ang turing ko sayo, hindi ko siya ipagkakatiwala sayo, pero alam ko mababantayan mo siya kaya ipagkakatiwala ko siya sayo.
Mahal ko siya tulad ng pagmamahal mo sa kanya at ayoko may mangyari masama sa kanya.
Asahan ninyo tutulungan ko kayo para mapanatili natin ang kaligtasan ni Carol," wika naman ni Alfred.
"Salamat,"
"Wag muna kayo magpasalamat; hindi pa sila nahuhuli."
Matapos namin mag-usap-usap ay napagpasyahan na namin magpahinga.
Sa kwarto ako natulog samantalang si Andrew ay sa sala para bantayan kung sino man ang handang pumasok .
Si Alfred naman ay sa kwarto ni Andrew na tulog.
Bukas ng madaling araw ang balik namin ng Manila kaya hindi ko maiwasan hindi mangamba sa posibleng mangyari sa amin. Ayoko madamay ang mga magulang ni Andrew, ngunit wala na ako magagawa dahil wala rin naman ako lugar na pwede ko pang pagtaguan.
***********
Patrick POV
Matapos naming mag-usap ni Carol ay naupo ako sa aking swivel chair.
At ininom ang alak na nasa aking harapan. Bata pa lang ako nang ampunin at palakihin ako ng tiyahin ni Caroline.
Noon baliwala lang sa akin si Caroline dahil mataba at panget ito. Pero unti-unti ay nagbabago ang itsura niya , nawala ang pagiging mataba nito, at nagbabago na rin ang anyo niya sa pagdaan ng panahon.
Aaminin ko na nagbago ang tingin ko sa kanya habang tumatagal dahil naging attracted na siya .
Hanggang sa makuha ko ang nais ko sa kanya , walang araw na hindi ko ginusto ang makasama siya dahil nababaliw ako sa kanya. Hanggang sa isang araw ay tinakasan niya ako.
Nalulong ako sa droga at alak dahil sa pagkawala niya hanggang sa pumasok ako bilang isang tulak para hanapin ang babae na nagpatibok sa aking puso.
At sa pagiging tulak ko ay nakilala ko ang isang malaking organization na kinabibilangan ko ngayon .
Naging mababang uri ako ng isang mafia, ngunit sa hindi inaasahan ay napunta kami sa isang gera .
At nalagay sa panganib ang buhay namin lahat .
Kalahati sa mga kasama ko ang binawian ng buhay, at dahil doon ay pinilit ko makatakas sa gera na iyon. Hanggang sa matagpuan ko ang isang matandang lalaki na nag-aagaw buhay.
Walang pagdadalawang isip na tinulungan ko siya at dinala sa bahay ng mga magulang na nag-aruga sa akin .
At dahil doon, hindi ko inaasahan na isang mataas na leader ng mafia ang aking natulungan, at dahil wala siyang tagapagmana, ako ang ninais niyang magmana ng mga kayamanan niya, at ito ako ngayon at malayang nakakagalaw.
Napaka swerte ko dahil nagawa kong hanapin si Caroline, at kung hindi lang dahil sa pakielamero lalaki na iyon, sana ay nasa kamay ko na sana ito.
Kung inaakala nila na tuluyan nilang maagaw sa akin ang nag-iisang rayna ko, nagkakamali sila dahil gagawa ako ng paraan mabawi ko lang ito sa kanila.
"Iho, kamusta naging lakad mo kanina?"
"Hindi maganda , nakatakas siya."
"Paano nangyari iyon?
"Meroon, tumulong sa kanya para makatakas."
"At sino naman?"
"Hindi ko siya kilala pero nagpapaimbestiga ako," kung inaakala niya matatakasan niya ako ay nagkakamali sila dahil hindi ako makapapayag".
"Kung ganoon kung kaylangan mo ng tulong, wag kang mag dalawang isip, humingi ng tulong sa akin dahil handa akong tulungan ka."
*************
Caroline's POV
Madaling araw nang sumakay kami sa chopper kasama si Alfred at si Andrew.
Pag baba ng chopper ay may nag hintay na agad sa aming sasakyan na siya mag hahatid sa amin sa bahay nina Andrew.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag yakap ni Andrew sa akin.
"Giniginawa kaba? Ito isuot mo na muna."
Hinubad niya ang coat niya at isinuot sa akin bago niya ako muli yakapin.
"Masyado kayong sweet, baka nakakalimutan ninyo kasama ninyo ako?" Seryosong wika ni Alfred.
Natawa naman kami sa sinabi niya at agad sinipa ni Andrew ang tuhod nito. dahil halos magkaharap lang ang upuan namin.
"Inggit ka lang!" Natatawang wika ni Andrew sa kanyang kaibigan.
Maya-maya ay nag-ring naman ang cellphone ni Andrew at sinagot ang tawag.
"Yes , Mom, on the way na kami ."
"Ok, bye!"
"Si, Mom, tumawag, tinatanong kung nasaan na tayo; excited siya makita ka.
Siguro naman naalala mo si Mom,"
"Yes, naging mabait siya sa akin noon , pero hindi pa niya alam na may relasyon na tayo noon."
"Wag kang mag-alala, magkakasundo pa rin naman kayo."
Ilang minuto lang ang naging byahe namin at agad rin kami nakarating sa bahay nina Andrew.
Hindi ko mapigilan ang humanga sa laki at ganda ng bahay nila.
"Andrew, ang ganda naman ng bahay ninyo ."
"Magiging bahay mo na rin ito kaya wag kang mahiya."
Pinilit ko ngumiti sa kanya kahit medyo kinakabahan ako.
Hindi nagtagal ay bumukas rin ang malaking pinto ng bahay nina Andrew at lumabas doon ang isang matandang babae at agad lumapit kay Andrew at mahigpit na niyakap ito.
"Anak , buti at nakauwi ka ng ligtas."
"Mom , wag kayo mag-alala, safe ako."
"Hi , tita!"
"Alfred, anong nangyari sa mukha mo?"
"Mahabang kwento tita, pero ok lang naman po ako. Pwede na po ba pumasok? Nagugutom na ako."
"Sure, iho! Nakahanda na ang pag kain sa lamesa."
"Mom, ito si Caroline, do you remember her?"
"Iha ? Ikaw na ba yan ? Napakaganda mo naman ngayon , malayong malayo ka sa dating ikaw," nakangiting wika nito.
"Tita," nakangiting wika ko ng makita ko ito.
Ibinuka niya ang mga kamay niya tanda ng nais niya akong yakapin, at agad akong lumapit sa kanya para yakapin siya.
Naramdaman ko ang paghagod nito sa aking likod.
"Sorry , iha, nang maaksidente si Andrew, hindi ko na nagawa ipaalam sa kanya ang tungkol sayo; ayoko guluhin ang isip niya dahil hindi pa siya tuluyang magaling .
Nang marinig ko ang tungkol sa nangyari sa Bataan at nangyari sa bahay ninyo, akala ko ay nakasama ka sa natabunan ng lupa kaya hindi ko na binanggit ang tungkol sa iyo dahil sa takot na may mangyari masama kay Andrew."
Agad ko hinawakan ang magkabilang kamay ni tita at ngumiti sa kanya .
"Wala poh kayo kasalanan, tita, na iintindihan ko poh kayo, alam ko nag aalala lang kayo sa kalagayan ng iyong anak ."
Naiiyak na, wika ko kaya muli niya akong niyakap ng mahigpit.