chapter 20

1438 Words
Agad pumasok ang dalawa sa loob ng bahay na parang pagmamay-ari nila iyon. Matapos ibaba ng driver ang maleta ay umalis na ito habang si Andrew ay naiwan nakatayo sa harap ko. "Hoy! Sino ka para basta na lang pumasok sa bahay ko? Hindi mo ito pagmamay-ari kaya umalis ka na." Galit na wika ko sa kanya. "Sinabi ko na sayo, mahal, kung kukuha ako ng hotel, 5000-7000 ang isang kwarto sa isang gabi kaya dito na lang ako. Ang 5000 ko ay aabot na ng 1 buwan." "1 buwan? At balak mo pa talaga mamalagi dito ng isang buwan?" "Yup , basta kasama kita kahit saan kaya ko tumira." Parang sinipa ang puso ko sa saya nang sabihin niya iyon. Aaminin ko, kinilig ako doon. Pero hindi pa rin ako pwede magpadala sa kanya dahil baka saktan lang niya ako ulet. Pero nagulat ako nang lumapit ito sa akin at hinila ako palapit sa kanya saka niya ako mabilis na hinalikan sa labi ko. Matamis at puno ng pananabik ang halik na iyon, at ramdam ko ang sarap noon. Napakapit ako sa dalawang braso niya na nakahawak ngayon sa balakang ko habang lumalalim ang halik nito. Halos makulong ako sa mga halik niya pero hindi ako pwedeng magpadala sa kanya kaya agad ko siyang itinulak. "Ano ba ang ginagawa mo? Bakit ka ba nang hahalik? Gusto mo ba lumayas ng wala sa oras?" Inis na tinalikuran ko ito at nagmadaling pumunta sa kwarto. Kinapa ko ang zipper ng gown ko para hubadin iyon, pero hirap na hirap ako gawin iyon . Hanggang sa isang tao ang pumwesto sa likod ko at ramdam ko ang paglapat ng katawan niya sa likod ko . Ang mainit na hininga nito ang tumatama sa batok ko na nagpataas ng balahibo ko. Dahan-dahan ibinaba nito ang zipper ng gown ko kaya agad bumagsak ang gown ko sa sahig . Dahil wala akong bra, ay tinakpan ko na lang ang dibdib ko ng mga kamay ko. "Ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka!" "Bakit naman eh, dito ako mag kwa-kwarto." "Ano? Hindi ka pwede dito. May bakante kwarto sa kabila. Doon ka matulog!" "Gusto ko sa tabi mo." "Sinabi ko na hindi ka pwede dito, kaya umalis ka na!" Wala ito nagawa nang talikuran ko siya at nagmadaling pumunta sa banyo habang siya ay naiwang nakatulala sa labas. Matapos kong maligo ay lumabas na ako para ayusin ang sarili ko. Napansin ko na wala na si Andrew doon kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. ************ Andrew POV Hindi ko magawa makatulog sa aking kwarto na pinahiram ni Caroline sa akin. Pakiramdam ko ay napakasikip noon para sa akin kahit sakto lang naman iyon para sa isang tao. Tatlong buwan ko siya hinanap at ito na siya at kasama ko sa iisang bubong, pero pakiramdam ko ay ang layo-layo niya pa rin sa akin. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero ramdam ko na galit pa rin siya sa akin. Napabuntong hininga ako hanggang sa maisipan kong lumabas muna para kumuha ng maiinom hanggang sa mapatapat ako sa kanyang silid. Iniangat ko ang kamay ko para katukin siya sa kwarto dahil gusto ko kausapin siya. Pero agad ko rin na ibaba ito ng maisip na baka hindi ako kausapin nito. Kaya pinihit ko na lang iyon at laking tuwa ko nang bukas pala ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Hanggang sa makita ko na natutulog na ito ng mahimbing sa kanyang kama. Napatingin ako sa maamong mukha nito kaya naupo ako sa tabi niya para pag-sawain ang mata ko sa maamo niyang mukha. Napangiti ako ng makitang kumikibo-kibo pa ang mapupulang labi nito. Kaya agad ko hinaplos ang mukha nito at saka ko dinampian ng halik ang mapupulang labi niya na halos tatlong buwan ko nang hindi na halikan. Matapos ko gawin iyon ay tinalikuran ako nito, at dahil sa malikot ito matulog ay bumaba ang kumot nito hanggang sa kanyang binti. Napatingin ako sa bilugang hita niya na ngayon ay nakalantad na sa aking harapan. Napakagat labi ako para pigilan ang sarili ko sa labis kong pagnanasa sa kanya. Hanggang sa marinig ko ang munting ungol nito na binabanggit ang pangalan ko. "Andrew" Dahil doon ay napangiti ako at pakiramdam ko ay lumukso ang puso ko sa saya nang banggitin niya ang pangalan ko. at agad na tinabihan siya sa pagtulog. Inayos ko ang kumot niya at nagsalo kami doon. Saka ko inayos ang pag kakahiga nito para ipanaharap sa akin at pahigain sa matitigas kong dibdib. Dahan-dahan hinaplos-haplos ko ang ulo niya habang hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. Dahil doon ay dahan-dahang ipinikit ko ang mga mata ko para matulog sa kanyang tabi. "You are my home, Caroline. I love you." Huling salita nabanggit ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim. Nang magising ako ay mahimbing pa ring natutulog si Caroline sa tabi ko. Nakayakap pa ito sa akin habang nagsusumiksik siya sa dibdib ko. "Oh, Caroline, talaga naman sinasagad mo ang pasensya ko. Buti na lang nakakaya ko pa pagtiisan ka! Kung hindi talaga hindi kita titigilan hanggang hindi namumula ang ihi mo." Maya-maya ay nakita ko na unti-unting nagigising ito . Mumukat-muka't pa ito kaya napalaki ang ngiti sa labi ko dahil napakacute niya kasi tingnan. Para siyang anghel na bagong baba dito sa lupa, na pinadala ng langit para sa akin. "Good morning," nakangiti wika ko sa kanya. "Good morning ," nakangiti wika nito sa akin . Maya-maya lang ay napakunot ang noo nito at pinisil ang magkabilang pisngi ko kaya napahiyaw ako sa sakit. "Arrry , ang sakit!" Hiyaw ko naman dito na ikinalaki ng mata niya. "Totoo ka ? I thought I was dreaming!" Gulat na wika niya. Mabilis na napabangon siya mula sa kama at agad tiningnan ang ilalim ng kumot, maging ang dibdib niya ay kinapakapa rin nito. Kaya hindi ko maiwasang mapatawa sa inakto nito sa akin. "Wala akong ginawa sayo ! Wala pa, pero malapit na!" Natatawang wika ko sa kanya. Sinimangutan ako nito sabay hampas nito ng unan sa akin. "Arrry... Masakit huh," "Ano ginagawa mo dito! Galit na wika niya sa akin." "Teka! Nagiging tigre ka na naman eh, gusto ko lang naman makatabi ka pag tulog, wala akong ginagawa sayo !" Sabay taas ko ng dalawang kamay dito. "Umalis ka nga diyan, bumalik ka sa kwarto mo!" "Grabe, ka sakin! Datirati nag huhubad ka sa harap ko tapos ngayon pag tabi lang ayaw mo pa!" "Dati iyon!" "Ganyan ka sakin, huh? Meron ka bang lalaki dito sa Cebu kaya ayaw mo na sakin? Mas gwapo ba siya sa akin?" "Uo, meron at mas gwapo siya sayo, saka e, ano naman kung magka-BF ako? Wala naman tayong relasyon, hindi ba!" Inis na bumangon ito sa kama at kinuha ang towel niya. Napatiim bagang ako at inis na bumangon sa kama niya. "Akala mo kung sino ka mag salita sakin ilang araw lang mag mamakaawa ka rin sa akin at sasabihin mo makipag s*x ako sayo," wika ko dito. "Hahaha! Mangarap ka! Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko na iyon , kaya nga lumayo ako sayo kasi ayoko na habulin ka! Sawa na ako gawin iyon sayo." "Tsssk, tingnan lang natin kung sino ang tatagal sa atin dalawa. Alam ko naman mahal mo pa ako." "Wow, ang kapal mo! San naman nag galing yan?" "Sayo! Narinig ko pa binanggit mo ang pangalan ko kagabi habang tulog ka." Agad nanlaki ang mata nito sa pag kagulat at saka matalim na tumingin sa akin. "Sinungaling! Hindi ko ginawa iyon." "Bahala ka, wag kang maniwala , basta nagsasabi ako ng totoo." Nakita ko ang pamumula ng pisngi nito sa labis na kahihiyan kaya mas napangiti pa ako dito. Napailing-iling ako habang papalabas ng kwarto dahil nagsisimula na naman siyang maging cute sa paningin ko. Agad akong nagtungo sa kusina habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Halos isang oras na bago siya lumabas ng kwarto. Naka suot lang siya ng simpleng dress na pang bahay habang bitbit niya ang laptop at mga papeles niya. "Wala ka bang trabaho?" "Linggo ngayon wala akong pasok saka pinag day off ko muna mga tao ko tutal malaki naman ang kinita namin kagabi . Pagod silang lahat kaya kaylangan rin nila magpahinga." "Maganda yan, magkakasama tayo buong araw." "Wag kang masyadong happy, marami akong gagawin kaya wag kang magulo." "Okay, magbe-behave ako," nakangiting wika ko dito. Agad ko siyang niyayang kumain ng umagahan bago niya simulan ang trabaho niya . Ako na rin ang nagpresinta na maglinis ng buong bahay para hindi na siya maabala pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD