chapter 31

1077 Words
Napalunok ako dahil sa tanong nito sa akin; kinakabahan kasi ako sa tanong nito. Agad ko iniwas ang tingin ko dito dahil nakikipagtitigan sa akin ang ama ni Andrew at hindi ko kaya labanan iyon . Ayoko kasi na magalit sila sa akin at baka hindi nila ako magawang tanggapin. Lalo na at ni-rape at naging prostitute ako , kahit sabihin ko man na hindi ako nagpagalaw sa mga customer ko ay iisipin pa rin nila na ginawa ko iyon dahil isang prostitute ako. Sino ba ang kayang tumanggap sa akin at tingnan ako bilang isang tao? Lahat ng tao makakaalam ng totoo kong pinagdaanan ay titingnan ako na puno ng pandidiri at parang isang kriminal. Bagay na ayoko mangyari, kaya mas gusto ko ilihim ang lahat. Sapat na si Andrew at si Alfred na lang ang nakakaalam ng totoo pagkatao ko. "Ahh, tito, may tao poh kasi gusto ako gawan ng masama kaya dinala ako ni Alfred at Andrew dito." "At sino iyon? Kilala mo ba? Naipahuli na ba ninyo?" "Hindi pa, Dad, hinahanap pa rin namin sila at inaalam pa ni Alfred kung sino sila." "Ganoon ba? Mabuti nga na dumito ka, iha. Sabihin mo lang sa akin kung kaylangan mo ng tulong ko at tutulungan kita," sabay baling nito kay Andrew. "Dad , hindi na kaylangan. Ayoko pong na abalahin pa kayo. Isa pa, kaya na namin iyon ni Alfred." "Sige, iho, ayoko na patagalin mo pa iyan ." "Wag po kayo mag-alala dahil hindi ko ito patatagalin, Dad. Isa pa, may importante rin ako gustong sabihin." "Ano naman iyon ?" Agad hinawakan ni Andrew ang kamay ko at ipinatong sa lamesa. Sabay na napatingin naman ang mag-asawa sa magkasiklop naming kamay . "Dad, Mom, nais ko po sana magpakasal kami dalawa ni Carol." "What?" Sabay na wika ng dalawa, mukhang nagulat ang dalawa sa sinabi ni Andrew. Nagkatinginan pa sila bago ibinalik ang tingin sa aming dalawa. "Sigurado ba kayo?" "Yes , Dad, ayoko nang patagalin pa ito, Dad." "Kung ganoon, kelan mo ba balak magpakasal?" Tanong ng ama nito bago niya isubo ang pagkain. Tumingin muna si Andrew sa akin bago siya tumingin sa mga magulang niya na may ngiti sa kanyang labi. Uminom naman ng tubig ang ina ni Andrew habang hinihintay niya magsalita ang kanyang anak. "Bukas poh, bukas ko pakakasalan si Carol." Nagulat ang mag-asawa sa sinabi ni Andrew. Dahil sa pag kagulat ay nabulunan bigla ang ama nito samantalang ang ina naman niya ay nasamid sa iniinom nitong tubig kaya naibuga nito ang iniinom nito. Halos maluha ang mag-asawa dahil sa binitiwan salita ni Andrew dahil hindi sila makapaniwala sa sinabi nito. "Mom, Dad, ok lang ba kayo?" Tanong ni Andrew sa mga magulang niya na halos ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng kanilang anak. Napatingin siya sa akin, at kita ko ang pag-aalala niya sa mga magulang niya. Bago nito ibinaling ang tingin sa mga ito. "Pasensya na, anak , Carol. Nagulat lang kami sa aming narinig. Ilang beses na kasi binalak magpakasal ni Andrew at ilang beses na rin na hindi natutuloy, kaya talaga nagulat kami na bukas na pala kayo magpapakasal." "Wag poh kayo mag-aalala na iintindihan ko poh kayo kahit ako poh ay sadyang magugulat kung sakasakali poh na ako ang nasa sitwasyon ninyo," nakangiti wika ko. Matapos ng mahaba naming usapan ay umakyat muna ako sa aking kwarto habang si Andrew ay nagpaiwan sa opisina ng kanyang ama dahil may kailangan silang pag-usapan tungkol sa kanilang negosyo. Andrew's POV Matapos naming mag-usap ni Dad ay agad kong tinawagan ang kaibigan ko, si Alfred, para magpatulong sa kanya para sa kasal namin ni Carol. Nakailang ring pa iyon bago niya sinagot ang tawag. "Hello, ang aga aga napatawag ka?" Inis na wika nito sa akin at mukhang kagigising lang nito. "Gago, ano maaga ang sinasabi mo diyan ? Tanghali na kaya alasdose na tulog ka pa rin." "Bakit ba napatawag ka? Storbo ka, alam mo ba iyon?" "Kaylangan ko ng tulong mo." "Anong klase tulong ba?" "Tawagan mo ang kapatid mo, Judge. Kaylangan ko siya. Papakasalan ko na si Carol bukas." "What, bukas agad? Dude, wala kaman lang ba konsensya? Hindi pa nga nag hihilom ang sugat sa puso ko, gusto mo na agad mag pakasal . Parang gusto mo yata ako i-triple kill dahil ako pa talaga gusto mo mag asikaso ng kasal ninyo. At kapatid ko pa ang gusto mo mag kasal sa inyo." "Pasensya na, dude , ayoko talaga patagalin pa ito. Pakiramdam ko kasi siya na talaga ang babae para sa akin." "Awwtssss... Talaga hindi mo ako iniisip ano!" Inis na wika nito na ikinatawa ko naman sa kanya. "Sinabi ko naman sayo ang tungkol doon, hindi ba? Sabi ko sayo na pakakasalan ko siya sa oras na makita ko siya." "Uo nga pero hindi ko naman inaasahan na ganito ka pala kabilis , para kang si Flash." Natawa ako sa sinabi niya sabay mura ko sa kanya. "Gag* mahal ko lang talaga! Kaya ayoko na pakawalan pa." "Paano ang pinsan niya?" "Alam ko delikado kaya hindi ko muna siya papalabasin . Dito na lang kami magpapakasal. Pumunta ka, huh?" "Pwede bang wag na lang? Baka umiyak ako." "Anong wag ! Hindi ka pwede mawala, at pwede ba wag kang magpakabakla." "Bakla agad ? Bakit pag umiyak ba ang isang lalaki bakla agad? Hindi ba at umiyak ka din naman ng mawala si Carol, halos maglupasay ka pa nga!" Natawa ako sa sinabi niya at napailing-iling sa kanya habang inaalala ko ang mga araw na nagpapakalunod ako sa alak. Matapos namin magbiruan dalawa ay pinatay ko na ang tawag dahil gusto ko magpabili ng damit para kay Carol. Umorder din ako sa online ng singsing at pinadeliver ko agad iyon. Si Mommy naman ang nagprisinta para sa pagkain na pagsasaluhan namin. Secreto muna ang kasal namin ni Carol dahil nais ko protektahan siya. Alam ko kasi na pag nalaman ni Patrick na ikakasal kami ni Carol bukas ay sure na hahanapin niya kami agad para pigilan ang kasal. Alam ko baliw siya kay Carol dahil sinabi ni Carol sa akin na talagang hinahanap siya nito. Kaya para wala na lang gulo, nais ko na ilihim na muna ito at uulitin na lang namin ito kapag nahuli na ang pinsan niya, si Patrick. Matapos ko maayos ang lahat ay bumalik na ako sa kwarto ni Carol para tingnan kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD