Matapos namin mamasyal ni Andrew ay agad rin kami umuwi para makapagpahinga. Kasalukuyan nag lalakad kami sa baybayin ng isla nang makita namin ang isang matandang babae na nakahandusay sa buhanginan. Kaya agad kami nagkatinginan ni Andrew at tinakbo ang babae iyon. Itinihaya ko siya at kinapa ang pulso nito. Saka ko itinapat ang tenga ko sa bibig nito para malaman ko kung buhay pa siya. Basa rin ito, at sa tingin ko ay naanod siya ng tubig kaya napadpad siya sa lugar na ito. "Love, sa tingin ko ay buhay pa siya." "Baka naanod siya ng tubig at napadpad dito." "Mabuti pa ay tulungan natin siya, dalhin natin siya sa resort, at magpapatawag ako ng doctor para matingnan ang kalagayan niya." . "Mabuti pa nga." Walang sinayang na pagkakataon si Andrew at walang pagdadalawang-isip na b

