Matapos kong magising ay inilipat na agad ako ng kwarto. Pero panandalian lang din naman ako tumigil doon dahil after 3 days ay pinayagan narin naman ako umuwi na . May nakatoka nang nurse sa akin para bantayan at alagaan ako dahil kailangan narin bumalik ni Andrew sa trabaho niya kahit hindi pa tuluyan magaling ang sugat niya. Samantalang ako ay halos isang linggo nang nakasakay sa wheelchair dahil sa hindi pa ako nakakalakad nang husto dahil sa aksidente. Naipit kasi ang paa ko nang sumalpok ang sinasakyan namin ng pinsan ko . Buti na lang at hindi malala ang tama ko at makukuha pa ng therapy. Malimit akong samahan ng nurse ko sa hospital para isagawa ang therapy ko. At si Mama naman ang malimit na kakasama ko dahil gusto raw niya akong samahan para makabawi siya sa mga pagkukulang

