Nang makasakay sila sa kotse ay nagmadali na silang umuwi. Nanatiling tahimik ang mag-asawa dahil sa pagod. Huminto ang kotse nila dahil sa traffic. Napatingin siya sa kamay niyang hinawakan ni Andrew at hinalikan. "I love you!" Sambit ni Andrew at tumingin sa kanya. Mapungay ang mga mata nitong nakatingin sa kanya, at feeling naman ni Carol ay siya na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Lumapit siya kay Andrew at humilig sa balikat nito. Hinaplos-haplos naman ni Andrew ang balikat niya. "Are you tired?" "Yes," "Gusto mo ba ng body massage mamaya?" "Sige! Pwede ba? Kaya mo pa ba?" "Uo naman ... Alam mo naman pag dating sayo wala ako kapaguran." Sabay na natawa ang dalawa kaya agad niyang kinagat ang tenga ni Andrew. Agad naman napahiyaw si Andrew sa ginawa ng asawa niy

