Matapos ko sa aking trabaho ay isinama ko si Caroline sa site para ipakilala sa mga tauhan ko bilang secretary ko.
Dahil si Caroline na rin ang bahala mag-asikaso ng mga kakailanganin sa site at mag-aayos ng iba pang kaylangan sa pag-construct doon, ay isinama ko na ito, para mas malaman niya ang pasikot-sikot ng companya ko. habang abala ako sa ibang bagay.
Magkasabay kami ni Caroline sumakay ng elevator at nanatili ang pagiging tahimik nito .
Pagdating namin sa kotse ay pinagbuksan ko na ito ng pinto ng aking sasakyan.
Saka ako umikot papasok sa driver seat.
Nakita ko nahihirapan siya magsuot ng seatbelt niya kaya lumapit ako para tulungan siya.
Agad nagkalapit ang mukha namin dalawa ni Caroline kaya hindi sinasadya magtama ang aming mga mata dalawa.
Naramdaman ko ng haplusin niya ang isang pisngi ko at ngumiti sa akin.
Kinagat nito ang pang ibabang labi nito kaya hindi ko mapigilan pagkatitigan ito.
Hindi ko maiwasan na halikan ang malambot na labi nito.
She is kissing me back passionately, na mas nag bigay sa akin na mas nag aalab na pakiramdam.
Kinagat ko ang pang ibabang labi nito para magawa ko ipasok ang mainit ko dila sa loob ng bibig niya .
Agad ko hinuli ang dila niya at sinipsip iyon.
At saka niya pinagapang ang kamay niya papunta sa batok ko para mas palalimin iyon. Para akong nalalasing sa mga halik ko sa kanya na pakiramdam ko ay nahanap ko ang tirahan ko.
Wala sa sarili, pinahiga ko ang upuan niya para mas mahalikan at magdikit ang aming katawan .
Narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko, pero hindi ko inintindi iyon dahil kinakain ako ng labis na pagnanasa ko sa kanya.
Hinaplos ko ang makinis na hita nito pataas hanggang sa natagpuan ko ang gitnang bahagi nito, saka ko pinaglandas sa hiwa niya ang daliri ko.
Isang nakakaakit na halinghing ang narinig ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako, pero hindi ko na nagawa pang alisin iyon doon; sa halip, nagawa ko pa ipasok ang daliri ko sa loob niya.
Saka ko nilabas pasok iyon sa loob ng b*tas niya habang magkahinang aming labi.
"S-ir..." Nahihirapan wika nito.
Mabilis ang ginawa ko pag labas pasok sa gitna niya kaya halos makagat na nito ang ibabang labi nito.
Para akong nababaliw sa labi nito at sa pag-kavas masok sa malambot, madulas, at masikip niyang butas.
Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa labis na pagnanasa sa kanya. Kaya madiin na napahawak siya sa kamay ko at pinipigilan niya ang ginagawa ko pag labas masok sa gitna. Kaya sa halip na tanggalin ko iyon, mas pinagbuti ko pa iyon; rinig ko pa ang mga tunog sa tuwing ilalabas pasok ko iyon sa b*tas niya.
Ibinaba ko ang halik ko sa leeg niya saka pinaikot ang dila ko doon at sinipsip iyon , alam ko mag iiwan iyon ng marka sa leeg niya pero hindi ko magawa pigilan ang sarili ko. Lalo na at nalalasing ako sa kakaibang bango niya.
Hinubad ko ang necktie ko dahil sa nakaramdam ako ng init dahil sa ginagawa ko sa kanya.
Saglit ko tinanggal ang daliri ko sa gitna niya, saka ko hinuli ang kamay niya at itinali ang kamay nito gamit ang necktie ko, at itinali iyon sa headrest ng upuan.
Dahil sa pag kakatali ko, iyon ay sinamantala ko ang pag kakataon na iyon para malaya ko mahaplos. Ang buong katawan nito.
Tinanggal ko ang bitones ng blouse na suot nito kaya lumantad sa akin ang malulusog na dibdib nito.
Wala akong inaksayang pag kakataon at sinunggaban ko agad ito. Habang ang isang daliri ko ay muli kong ipinasok sa b*tas niya para ilabas, masok iyon doon.
Napatigil lang ako nang makarinig ako ng isang boses.
"Sir , ok ka lang ba? May problema ba ? Masama ba ang pakiramdam mo?"
Wika ni Caroline sa akin.
Nakailang pikit ako bago ko na-realize na dala lang pala ng imahinasyon ko ang lahat na iyon.
Nakapukol lang sa akin ang tingin nito na tila ba ay nag-aalala sa akin.
"Ok ka lang ba sir?"
"Ahhh... Eh… Ano k-asi…," pautal utal na wika ko agad ako napa Hawak sa aking batok saka lumingon sa harapan.
"Mabuti pa umalis na tayo mamaya ko na lang iisipin ang mga iniisip ko."
Agad ko minaneho ang aking sasakyan habang iniisip ko ang mga imahinasyon ko.
"Oh...f**k, ano ba itong mga pumapasok sa isipan ko ?"
Inis na wika ko sa isipan ko.
Pagdating namin sa loob ay inalalayan ko na siya para bumaba sa kotse.
Dahil delikado sa loob, sinuotan ko muna siya ng safety hat para masiguro maging safe siya sa loob .
Agad naman ito napatingin sa akin kaya mabilis na nagtama ang aming paningin .
Tipid na ngiti ang sinukli nito sa akin, pero ako rin ang umiwas dahil baka kung ano pa maisipan ko gawin.
Sabay kami pumasok sa loob para maglibot-libot sa bagong building na pinapatayo ko .
Pinakilala ko rin siya sa isang mga tauhan doon hanggang sa makita namin si Ezekiel na isa sa mga business partner ko.
"Dude , ano na balita kaya ba natin ito matapos bago mag-December?"
"Uo dude, konti na lang naman saka maayos naman ang pag-construct nila dito. Teka, sino ang kasama mo ? Napakaganda naman niya . Hindi mo na dapat dinala siya dito; baka kung mapaano pa yan."
"She is my secretary, Caroline."
"Nasan na iyong dati mong secretary?"
"Nag-resign na siya."
"Ahhh... Ganoon ba?"
"Hi Caroline, I'm Ezekiel Montivista, the business partner of Andrew."
"Hi , Mr. Ezekiel, I'm Caroline Olivarez."
Nakita ko ang paghawak ng kamay nila sa isa't isa kaya napatikhim ako dahil halos tumagal pa iyon ng ilang segundo samantalang hindi mawalawala ang mga ngiti nila sa isa't isa.
Agad naman nila binitiwan ang kamay nila bago ko sinimulan ang pakikipag-usap kay Ezekiel tungkol sa construction ng company.
Napatingin ako sa taas ng building dahil gusto ko makita ang pag gawa doon ng bigla na lang may nalaglag na mga bakal mula sa taas. Mabilis ko nakita iyon, kaya agad ako napa-takbo sa kinaroroonan ni Caroline para mailayo sa mga bakal na balak pa lang malaglag.
Napahiga siya sa semento samantalang hawak hawak ko ang ulo nito para hindi tuluyang bumagsak sa sahig.
Naka ibabaw ako sa kanya samantalang siya naman ang nasa ilalim ko.
Dahan-dahan ko inangat ang mukha ko at tinitigan siya.
Kita ko ang labis na pagkabigla at ang panginginig ng katawan niya dahil sa labis na takot.
Hinawakan ko ang kabilang pisngi nito para tanungin siya.
"Are you alright?"
Dahan-dahan ito tumango, pero kita ko sa mukha niya ang labis na takot.
"Ok lang ba kayo?" nag-aalalang wika ni Ezekiel sa akin.
Dahan-dahan tumango ako at umalis sa ibabaw ni Caroline.
Inalalayan namin ito ni Ezekiel na makatayo, pero ramdam ko parin ang panginginig nito.
"Dude, mabuti pa kung dalhin mo muna siya sa kotse mo para makapagpahinga siya. Ako na lang ang aakyat sa taas para alamin ang nangyari .
Pupunta na lang ako doon para ipaalam sa inyo ang tungkol sa aksidente."
"Sige, ikaw na ang bahala sa kanila."
Matapos ng nangyari ay hinatid ko na ito sa kotse ko at saka ko ito inabutan ng mineral water .