Naging masaya ang isang araw ko na pananatili sa piling ng mga Montifalcon. At masasabi ko na hindi basta-basta sila dahil sa lawak ng kanilang lupain. Matapos kong libutin ang buong mansion ay agad akong umakyat sa aking silid upang magpahinga. Tulad ng inaasahan ay agad ako nakatulog; marahil ay dahil na rin sa labis na pagod at mahabang biyahe ko pa mula U.S. pauwi dito sa Pilipinas. Kaya pagsapit ng umaga ay pakiramdam ko ay labis na pananakit ng aking ulo at katawan dahil sa jetlag ko. Kaya nang magising ako ay nagtungo ako sa spa dito sa bahay para makapag-relax ako. May ilang minuto rin ang tinagal ko sa spa bago ako nagdesisyon na lumabas. Pagbaba ko ay bigla ko nakasalubong si Alvin; nakasuot na ito ng office attire, at nakita ko ang magkasalubong na kilay nito. At matalim

