Keith Bumilis ang t***k ng puso ko nung pagpanik ko sa second floor ng rest house kung saan ko iniwan si Luna ay makita kong bukas ‘yung kuwarto. Sinong nasa loob?! Nagulat ako nung makita ko si Luna sa loob at halata sa kaniya ang pagkataranta nung marinig niya ang boses ko. “Luna?!” “A-anong g-ginagawa mo dito?” Gulat at mariin kong tanong sa kaniya at bakas sa mukha niya ang kaba. “Sinong nagpapasok sa’yo dito at bakit ka nandito, Luna?!” Mariin ko pang ulit na tanong sa kaniya pero hindi siya makapagsalita. “S-sorry, naiwan kasing b-bukas ni Manang kaya isasara ko s-sana.” Nauutal utal niyang paliwanag. “L-labas na lang ako, p-pasensya na..” Nakayukong sambit niya at akmang lalabas na sana siya. “Hindi pa kita pinapaalis, Luna. I’m just asking you.” Mahinahon kong sambit

