Luna Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Sir Keith habang nakatitig ako sa kaniya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon basta ang alam ko lang ay pagod na ko. Nakakapagod magpanggap, nakakapagod makisama sa kaniya at sa mga kaibigan niya. “Itigil?” Ulit niya pa sa sinabi ko at kita ko sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “Fine! Itigil na natin ang pagpapanggap na to!” Sarkastikong at mariin pa niyang sambit kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung magiging masaya ba ko dahil gano’n kadali lang siyang pumayag o malulungkot ako dahil hindi man lang niya ako pinigilan. “Tama, itigil na natin na’to.” Patango tango ko pang sambit at pag sang ayon ko tapos ay dali dali akong pumunta sa kuwarto kung saan ako natutulog at ilalabas ko na sana sa c

