Keith Nandito ako ngayon sa opsina mag isa at patuloy kong sinusubukang kontakin si Luna pero cannot be reach siya. Para akong tangang nakatulala lang sa baso ng alak na iniinom ko. I took a deep sigh and shook my head. Pagkatapos kong ibaba ang tawag ko kay Luna ay wala pang isang minuto kong nalalapag ang cellphone ko ay biglang nag-ring yo’n. Napailing na lang ako nung nakita ko kung sino ‘yung tinatawag. It was my Mother. Hindi ako nag-abalang sagutin yo’n at muli kong nilagok ang baso ng alak na iniinom ko. “Are you happy now?!” Pailing iling kong sambit habang pinagmamasdan kong nagf-flash sa screen ng cellphone ko ang tawag ni Mama. Pano nila na aatim na unahin pa ang sarili nilang interest kesa sa nararamdaman ko?! Anong klaseng magulang sila?! Aaminin ko na una ko palang

