Wrong Info

2080 Words
Rash pov Linggo na ngayon at plano naming magsimba ni Levi. Well after that kasi magdedate kami hahaha hindi ako kinikilig ha, pero parang ganun na din. Gusto ko din kasing itanong yung about gang na sinasabi ng mukhang paa na yun noong friday. Nagkita kami sa mismong simbahan ni Levi. " Love saglit lang ha, bibili lang ako ng kandila." sabi ko. " ok sure love" Pagkabili ko ay pumasok na kami sa sumabahan. A few hours later.. Natapos din ang simba kaya dumeretso na kami sa Mall. " love saan tayo kakain?" tanong niya saakin. " kahit saan nalang kinakain ko naman lahat" sambit ko. Napaubo naman ito. Ano ba nakakaubo sa sinabi ko? Eh kahit naman may allergy ako eh kinakain lahat, ano pa silbi ng gamot ? " korean restaurant nalang tayo.." sabi niya "Ok lang sa akin." Pagpasok palang namin nabunggo ko ang isang babae. " Sorry" sabi ko. Pero parang wala lang ito. Naiihi na siguro ito dahil patakbong tinungo ang Cr. Habang nag oorder kami isang boses ang narinig ko. At kilala ko ang boses na yun. " ano ba akin yan.. Maduga ka talaga Mendez!?"  kahit pala saan pumunta ang panget na ito ay panget din ang asal sa harap ng pagkain. " Uno may ipapadate ata sina tita sayo" sabi ng kasama niya. " hindi ko gusto, masermonan nalang ako at bugbogin ng babaeng madaldal na yun mas gugustuhin ko pa kesa makipag date sa hindi ko gusto.. Akina na nga yan!" "... Tsaka mas mahal ko si Aprohdite no kesa kanino" Bugbogin ko daw? ? ? Animalistic talaga ang loko. Aprohdite?? Sino naman kaya siya? Malas naman niya. Nakikinig ako sa usapan nila ng kalabitin ako ni levi. " Love are you with me? Kanina pa kita tinatanong kung anong gusto mo?" " ay hehehe sorry.. Kahit na ano." Patay! ... Hikain pala ako bakit sa korean restaurant kami pumunta. " Ok..." Nakita ko ang babaeng nabundol at dumeretso sa table nila Panget. " Renz napapansin ko bakit parati mong nakakasama sina Daddy. Anong ginagawa niyo? "sabi ng babae. Biglang may dumating na waiter sa kanila. " Miss Aprohdite..? " tawag ng waiter " doon sa table namin.. Thanks! " pasimple kong tinignan ang tinawag nilang Aprohdite. Siya pala,. Maganda pala ito.. Mas maganda nga lang ako. " love saglit punta lang ako sa comfort room" " Ok" Papasok na sana ako sa cr ng may humatak sa braso ko. " Ano ba!?" " wag kang maingay..." Tinignan ko si Panget pala. Hinatak ako palabas ng restaurant.. " Aray ano ba!?" " anong ginagawa mo dito?" tanong niya saakin. " bakit sayo ba ang restaurant na ito?.. Ikaw lang ba pwedeng kumain dito?" Sinandal niya ako sa pader kaya nasaktan ako. Hanep! Kung kelan naka backless " hindi..." sagot nito "yun naman pala eh, kung makapaghatak ka saakin akala mo pagmamay ari mo ang lugar na ito." " look kanina may nagbabalak sayo na kidnapin ka, buti nalang narinig ni Dua..." " so? Ano naman pakealam mo?" " layuan mo si Levi dahil delikado siya, marami siyang kaaway madadamay ka lang. " " ano ba pakealam mo saakin? " Pero bigla nalang siyang napayakap saakin. Tinignan ko ang ulo nito na dumudugo. " OMG! Hoy panget! nangyari sayo bakit may dugo ka..!" Pero natumba nalang kaming pareho. " tulong! Help! " pagsisigaw ko. Tinulungan naman ako agad ng waiter na nakakita saamin. " mam tumawag na po kami ng ambulansiya. mam ano pong mangyari?" " hindi ko alam bigla nalang siyang nabuwal at may dugo na ang ulo niya." " boyfriend po ba niyo siya mam?" " no.. Yung girlfriend niya nasa loob paki tawagan naman aprohdite ang pangalan niya.." kinandong ko ang ulo nito habang hinihintay ang gf nito " s**t Uno! "sabi ng Gf niya. " Miss Ricaforte anong nangyari sa kanya? "tanong naman ng kasama niyang lalaki. " h-hindi ko alam, hinatak niya ako bigla  dito sa labas then bigla nalang siyang natumba saakin... I saw bloodin his head kaya...." " Rai buhatin mo siya.. " " someone called ambulance na... mamaya andito na yun.." " f*ck hihintayin pa natin ang lintik na ambulansya na yan, paano pag naubusan na siya ng dugo?" sigaw ng gf niya saakin.. " Baby girl relax Ok... Miss Ricaforte are you coming with us?" " No need Rai... May kadate siya sa loob." Binuhat na nila ito at tinakbo sa hospital. Binalikan ko si Levi para sabihin gusto ko ng umuwi. Sa kotse: " love are Ok?" biglang tanong nito saakin. Nakadungaw lang kasi ako sa labas. " Levi? kanina kilala mo ba yung Uno ang pangalan? " " yes..." sagot nito. " ano siya? Ano ka rin Levi?" " what are you talking about?" " Gangster ka ba?" Hindi agad ito nakasagot. " Zhi.. Yes I'm a gangster.. Si Uno na sinasabi mo kaaway namin siya ng grupo. Sila ang top 1 rank sa gangster world." " kanina binalaan niya ako na may nagbabalak daw na kidnapin daw ako, siya mismo nakarinig. Then bigla siyang nagfaint at may dugo ang ulo.. someone hit his head.!" " Zhi Hindi ko alam kung sino ang gumawa sa kanya yun. Lahat ng gangster group ay kaaway ng grupo nila Uno... " Nang makarating na kami sa tapat ng bahay. " wag ka ng pumasok Levi... And I'm breaking up with you " " wait! Are you dumping me!?" galit niyang tanong. Hinarap ko siya... " Yes..., ayokong madamay ang anu mang gulo meron kayo. Bye! " Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa mga oras na yun, I felt guilty to Uno.., " Manang aalis muna ako, kukunin ko yung kotse na isa.. " " saan ka pupunta gabi na ah?" " May dadalawin lang ako Manang" Pinuntahan ko ang pinaka malapit na Hospital sa restaurant na pinuntahan namin pero wala sila doon. Papunta ako ngayon sa isang Hospital na malapit lng sa school... And I saw the guy na kasama nila. " Hey!" tawag ko sa lalaki. " Miss Ricaforte..." " please call me Rash,. Hmm kamusta si Uno?" " Ok na siya mabuti nalang at hindi nagka blood clot sa ulo nito... maya maya ay ililipat na siya sa room niya." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. " nag aalala ka sa kanya? " Inalok niya saakin ang isang kape na hawak nito. " salamat... gusto ko lang malaman ang kalagayan niya. Kung hindi dahil saakin ay hindi mangyayari yun sa kanya. Nagalit tuloy ang girlfriend niya saakin" At bigla nalang itong tumawa. " hahaha Rash walang girlfriend si Uno, yung kaninang nagsungit sayo ay kakambal niya." ? " so kanina narining kong mas mahal niya si Aprohdite..." " so nag eavesdrop ka kanina? Hahaha well mahal naman talaga niya si Dua.. And Dua is my girlfriend by the way... And I'm Renz Aikio Mendez." Nilahad naman niya ang kamay nito. Syempre tinanggap ko naman, binigyan na nga niya ako ng kape eh. " baby girl.. Si Rash pala, nag aalala siya kay Uno. " Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa tsaka tumaas ang kilay niya. Is this for real? Tinatarayan niya ako?? " baby girl.. Don't!" suway niya sa gf niya. Nag iba naman agad ang aura niya. Biglang bumait. Inabot niya ang isang kape. " baby girl siya si Zian Rash Ricaforte... Rash this my baby girl my girlfriend Aprohdite Grazeter.." "Grazeter? So sainyo ang Hospital na ito?" tanong ko Tumango lang siya. " kailangan managot ang gumawa ito sa kanya." Dua " baby girl.. Hindi naman natin kilala ang gumawa sa kanya nun." " ang gumawa nun ay yung narinig ko kanina na mga lalaki.. Yung nagbabalak na kidnapin siya"sabay turo niya saakin Nakakatakot naman itong babaeng ito. " pero wala naman akong nagawa or kasalanan para kidnapin nila ako" " ikaw ang girlfriend ni Levi Garet.. maraming may galit sa bf mo.." "ex bf.. Nakipag break na ako kanina.." Nagkatinginan naman ang dalawa. Biglang dumating ng Doc " Miss Grazeter... Pwede niyo ng tignan si Mr. Grazeter.." " thank you Doc..." Pagkakasabi nito ay pumasok na kami sa Kwarto na sinabi niya. Napaka Special naman ang kwarto nito., parang kwarto ng bahay. " bukas ay magigising na siya, kailangan lang niya ng pahinga." Doc " Pwedeng ako muna magbantay sa kanya!? "biglang kong sabi. " why? " Dua " nakonsensya kasi ako... " " No problem Rash, papalitan ka nalang namin bukas ng umaga., kukuha lang kami ng gamit. " Renz " Wag mo siyang iiwan... " bilin naman saakin ni Dua. " Pwede ba kitang tawaging Dhite?" " ha?" " mas gusto ko kasi ng Dhite kesa Aprohdite or Dua" "ikaw ang bahala... Sige aalis na kami." Pagkaalis nila naiwan kaming dalawa dito. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. " Uno.. Salamat sa pagtatanggol sa akin. Sorry dahil sa katigasan ng ulo ko pati ikaw napahamak" "... Mula ngayon hindi na kita aawayin." Hindi ko binitawan ang kamay niya hanggang nakatulog ako. Kinabukasan: Isang haplos sa buhok ko ang gumising sa akin. Inangat ko ang ulo ko, dahil sa inaantok pa ako papikit pikit pa ako bago tumingin sa humaplos.. " Dua! " Nang makita niya ako.. " Ikaw!" " shhh wag ka nga sumigaw, nalamog na nga yang ulo mo lakas mo pa din sumigaw. Mamaya sumakit yan." Sabay pa kaming napatingin sa kamay naming magkahawak pa din. Sabay kaming nagbitaw.. " Anong ginagawa mo dito? Asan sina Dua?" " ako ang nagbantay sayo kagabi.. Umuwi sila para kumuha ng gamit.. Mamaya ay darating na sila. " napaunat pa ako ng kamay. Nangalay kasi ito. " Ganun ba... Nasaktan ka ba?" bigla nitong tanong. What? Bakit ako pa inaalala niya eh siya na nga ang napuruhan. " hindi naman, nagulat nalang kasi ako na nag faint ka, at nakita ko na may dugo sa ulo mo." " Oo nga pala may pumalo saakin ng kahoy sa ulo ko. " " nakilala mo ba sila?" tanong ko " kaharap kita kagabi ng mapalo ang ulo ko... Paano ko makikilala ang nagpalo? " pagsusungit nito. " sorry... " " hindi mo kasalanan... Talagang may siraulo na gagawa ng di maganda" Biglang may pumasok. " oh anong ginagawa mo dito?" -_- Kilala niyo ba sila? Mga binugbog ko lang noon na kaibigan ni Uno. " Anong ginawa mo sa leader namin?" tanong ng isang Japanese. " hoy Tres hindi siya ang may gawa saakin nito... Hoy kayo magpakilala kayo sa kanya" Napangiwi naman ako sa utos niya aa kasamahan niya. " Hi ako si Silvestre Dizon just call me Dos" sabay abot ng kamay nito. " ako naman si Thirdy Magahasa.. Tres for short" Magahasa?? " Tryker Del Campo a.k.a Fourth or kwatro" "Troy Pascual.. Fifth nalang" "Sixto Fuentes.. Six is the name" "Severino Santos... Ang pinaka cute sa kanila... Pito or seven" Nakipagshake hands naman sila saakin. " Ako naman si Zian Rash Ricaforte..." " yeah kilala ka na namin," " Hoy tama na yan... Gutom na ako!" boglang singit ni Uno. " magpakilala ka din Uno..." Biglang sabi ni Dua na kapapasok lang nila ni Renz. " tsk.. JUNO APOLLO IS THE NAME!.. Uno para maiba. " Ah kaya pala Uno kasi Juno.. Nabanggit na niya saakin noon ang pangalan niya. " Rash kumain ka muna bago ka umuwi... May baon kaming breakfast ni Renz." " Kami Aprohdite meron din saamin?" Tres " Hoy... Bumili kayo hindi kayo kasali sa niluto ko! " sagot ni Renz Kaya napakamot ng batok ang anim " oh ano Uno,? Bakit buhay ka pa? "Renz " siraulo ka Mendez sakalin kita diyan eh" Tumawa lang naman ito. Ganito ba talaga sila mag usap. May pagbabanta parati.? Well they're so nice naman eh, Si Dhite hindi naman ganun pala ka sungit sa mukha lang pala. Ang sweet nga nila ni Renz, kapag ang bf niya kasi nagsasalita ay bumabait ang mukha niya. Tinignan ko si Uno. " Ano tingin tingin mo diyan?" Napangisi naman ako sa kanya. " Mula sa araw na ito... Girlfriend mo na ako!" Napabitaw naman ng kutsara sina Renz at Dhite sa sinabi ko. Ang grupo naman niya nagulat kaya may nabugahan ng pagkain sa mukha. "What the hell!? Pinagsasabi mo!?" " sa ayaw at sa gusto mo.. Girlfriend mo ako kung ayaw mo masasapak kita pag tumanggi ka." Natawa naman silang lahat. Ang pogi pala ni Juno Apollo bakit ngayon ko lang nakita? Bumagay siguro sa benda sa ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD