Probinsyana At Probinsyano

1377 Words
Uno pov Pagdating namin sa mall, nagpasama ako sa pagpili ng damit para sa birthday ni Rash. " Anong kulay ang bagay kaya saakin Dua?" namimili kasi ako ng polo. " Red.. Maroon... Black.." sagot nito. " birthday ang pupuntahan natin Dua..hindi Halloween party.... nag suggest ka nga puro kulay dugo..." Nakapameywang lang ito. Nakakita ako ng pink na polo...hindi siya gaanong pink. Pink ang paborito ni Rash kaya pink din isusuot ko... Hahaha para matchy nga kasi... Kumuha ako ng tatlong na magkakaiba ang design. " isusukat ko lang ito... dyan ka lang..." Tumango lang ito. Yay ang gwapo ko sa salamin... ikaw ba naman si Juno Apollo Grazeter... hanep! Lumabas ako ng maisuot ko ang isa. " Eto Dua... bagay ba?" " Para kang cotton candy Uno..." sagot niya. Pumasok ulit ako ang sinuot ang isa. " Eto kaya...?" " Panget ng design...." sagot niya. Nagsisi na ata ako na sakanya ako nagpasama. " Baka naman pwede na ito.?" Head to foot lang niya ako. " Pwede ba Uno... regalo ang sadya natin dito hindi damit mo. Ang dami dami mong damit na hindi pa na gagamitin... " mukhang galit na ito. " sagutin mo na lang kasi....Bagay o hindi?" pamimilit ko sa kanya. " Ok na yan... Nagmukha kang tao..." Bakit pa kasi may kambal ako eh... Binili ko nalang yung pangatlong nasukat ko. Binilhan ko si Rash ng sapatos. Louis Vuitton heels pink.... pick up nalang namin dahil pinareserve ko na ito. Ginawa ko lang rason kanina para maaliw naman itong si Dua. " Ice. Cream tayo?" yaya ko sa kanya. " Tara...." ayan na nagiging ok na mood niya. Ice cream shop " hello mam... Hello sir pogi... Ano po order niyo?" pacute ni ate " Ate isang cookie and cream at isa double Dutch..." " yun lang po sir" " May Antihistamine kayo dito?" singit ni Dua. " po? Wala po mam..." " pwes bumili ka para dyan sa kati ng katawan mo..." Napatawa talaga ako ng malakas ng sabihin yun ni Dua. Yumuko si Ate na parang napahiya. Tinignan ko si Dua. Inirapan lang niya ito. " Ano!? " baling niya saakin. " possessive much? Hahaha " " Tsk...mauuna na ako sa table. " Kahit kailan talaga ganyan na siya. Ayaw niyang may nagpapapansin saakin. " Sir ito na po order niyo.." " Ate pasensya ka na sa kapatid ko ganyan talaga siya... Hehehe" " Ayos lang po sir... sorry din po" Nginitian ko lang ito. " Eto na ice cream mo..." " Ano ba kasi nangyari sainyo ni Mendez at ganyang ang mood mo? Inalagaan ka na nga ganyan ka pa..." " Nagsinungaling kasi ito..." " Bakit kasi di mo tinawagan bago ka pumunta sa condo niya." Tinignan niya ako ng masama. " Sinadya ko ito...naghihinala na kasi ako. Parati siyang busy... " Hindi ako nakaimik, si Dua yung taong mabilis mangbasa ng galaw, siya yung malakas ang radar. " Dua hindi naman kailangan ay alam ----" " Ano ba dapat? Manghuhula na lang ako kung ano ginagawa niya? Kung ok ba siya o ano? " yay galit na naman. " Hintayin mo nalang na sabihin niya sayo." " May alam ka ba Uno?" Napalunok ako sabay kain ng ice cream. " Wala Dua...mas mabuting hintayin mo nalang umamin yung tao... hindi yung pati sarili mo dinadamay mo. Alam mong sakitin ka...." Hindi na ito sumagot. " May regalo ka na ba kay Rash? " tanong ko " Meron na..." " Dua..." Tinignan naman niya ako. " Gaano mo kamahal si Renz? " " Mas mahal kesa sa sarili ko.... alam mong siya lang ang naging kaibigan ko noon pa man...siya lang nakakaintindi saakin maliban sa inyo. " " Kung may mangyari man, halimbawa mawala siya sayo...---" " wala namang dahilan para mawala siya... dahil hindi siya papayag na magkahiwalay kami... Hindi niya ako iiwan.. " Sobrang mahal nga niya si Renz. Natatakot din ako sa ano mang mangyari sa kanya kapag nawala si Renz. " Gusto mo bang sumunod kina Kean sa Ocean park? " " Sige... " yun pumayag din. Napatigin ako sa cellphone ko, wala pang reply ni Renz. Baka busy na naman ito. Tumingin na din kami ng damit para sa kanya. Pero sa huli ay hindi na lang daw. Naglalakad kami ng makita namin si Renz. Alam kong sumunod siya....sus! Siya pa... patay na patay yan kay Dua.... Patay na patay sila sa isa't isa. " Oh Mendez... Sinundan mo pala kami" Tumabi ito kay Dua. " Baby girl galit ka ba?" Binigay niya ang isang mickey mouse stuff toys. Yan ang isang kahinaan ni Dua.... " Sorry kagabi...." " kayong dalawa... tara na... Sunod tayo kina Kean sa Ocean park.." Nauna na akong lumabas sa kanila. Namasyal muna kami kasama namin mga Probinsyana at Probinsyano ng Vizcaya. Kadarating ng magkapatid na si Cass at Minea. Kaya lalong maingay ang grupo. Nagkabati naman na ang dalawang Nagry birds hahaha. " Uwi na tayo hapon na oh, gagayak pa tayo." " Hoy kayo be presentable sa birthday ng Mahal ko... mahiya kayo sa Angkan." " Saamin mo pa talaga sinabi yan..." Basilio " Ikaw... kontrabida ka talaga...SANA WALANG MAGMAMAHAL SAYO HAYOP KA." " Uno Jollibee tayo... " Mga isip bata talaga mga kasama ko. Habang kumakain kamo sa loob ng Jollibee isang grupo ang Gangster ang napansin namin. " Dude.... Bakit naman dito tayo kumain... pang bata.. " bubwit na kasama nila. " Jim... masarap naman dito... Tska di ka ba nagsasawa sa parating kinakain natin.." yung lalaking gwapo sa kanila pero MAS PINAKA GWAPO AKO SA KANILA. " nagtitipid na ba Andrei?? " Sabi ng isang panget " Dami niyong alam.... Jerome ikaw na mag order. " Ang aarte kakain din pala sila. Sa tabing table namin sila puwesto. Naatrasan pa yung upuan ni Dua. " Ano ba!? dahan dahan naman..." Dua Hindi man lang nagsorry yung leader ata nila. Yung gwapo... Tsk Nagkwekwento kasi itong si Jaike ng tungkol sa laban at pinaka malakas sa kanilang grupo. " Kalain mo yun... sa lakas ni Kean. Gustong isali sa Fraternity hahaha... " Jaike Biglang sabat naman sa kabilang table. " Mahinang nilalang" yung leader nila. Napatayo naman si Jaike sa narinig. " Hoy! anong sabi mo?" Jaike " Dude... Problema mo?" Yung bubwit ang sumabat. " Jaike tama na..." Awat ni Kean " Gago kasi eh..." Jaike " Jaike wag mo ng patulan....hindi din naman sila kalakasan." Dua Napatayo yung Andrei ang pangalan. " Lakas naman ng loob mong sabihin yan... hindi mo ba kami kilala.... nasa Top 10 kami sa gangster world. " Natawa naman kaming lahat... maliban kay Dua. " Eh sila kilala mo? Sila ang rank 1." Dua. Napatigil naman sila ng sabihin yun ni Dua. " tsk... maganda ka sana maangas lang... Lipat nga tayo guys.... " doon na sila nagsitayuan at lumipat sa dulo. " di natahimik sila hahaha" Zach. " Kuya Uno...sa tingin mo kayo ni Ate Rash magkakatuluyan?" Minea " Malamang sa malamang...." confident kong sagot. " Eh tingin mo mahal ka naman niya..." Hunter.... " Hahabulin ba naman niya ako kung hindi... Siya nga yung nanligaw saa kin eh" " kapal Uno....dineklara lang niyang kayo... di ka nanligaw... Kung di ka nga nahospital di magiging kayo" " Grabe naman kayo...ligawin kasi ako, alam niyo naman ang lahi natin..." " Ligawin nga hindi mo din naman alam manligaw... nakakahiya ka." Basilio " wow nagsalita ang hanggang tingin sa crush" Nagtawanan kaming lahat. " Tara na... maghanda pa tayo para sa kalahati ng buhay ni Uno hahaha" Kean " Kalahati ng buhay my ass!" Agad kaming nagsi gayak, syempre naligo muna... hindi naman kami dugyot na tao. Light pink ang sinuot ko para parehas kami ni Rash. Nagdadamit ako ng pumasok si Kean. " Nakabihis na kayo?" " Di pa... pangtulog lang itong suot ko.. " bwsit na ito. " Eh anong kailangan mo saakin?" " Yayayain ko na kasi si Mal na magpakasal" Napatingin naman ako sa kanya. " seryoso ka? Papayag si lolo Andy?" " humingi na ako ng basbas..pumayag na sila." " oh eh ano maitutulong ko?" " Wala sinabi ko lang.... tara na nasa baba na kaming lahat ikaw nalang walam" Hayop na ito... akala ko naman kung ano. Mayaya nga si Rash... Hahahha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD