#ILoveYouBro CHAPTER 24 “May kotse ka na ba?” nagtatakang tanong ni Jack kay Humph. Nasa parking lot kasi sila ngayon ng eskwelahan kung saan dito siya dinala ng huli. Napatingin naman si Humph sa kanya. Napangiti. “May mga kotse kami sa bahay pero hindi ako nagmamaneho ng mga iyon. Nandito tayo ngayon kasi may ipakikilala ako sayo.” Mas lalong nagtaka si Jack. Sa dinami-dami naman kasi ng lugar, dito pa talaga sa parking lot ang napiling lugar para ipakilala ni Humph kung sino man ang ipakikilala nito. “Sigurado talagang dito sa parking lot?” tanong ni Jack. Napatango-tango si Humph. “Bilisan na lang nating maglakad para makilala mo na siya kaagad.” Napatango-tango na lamang si Jack. Mas binilisan nila ang paglalakad. Hanggang sa makar

