#ILoveYouBro CHAPTER 22 Abala sa ginagawang assignment si Jack. Nasa loob siya ngayon ng kanyang kwarto at nakaupo sa isang upuan na nasa tapat ng kanyang study table ng biglang pumasok si Jones kaya napatingin sa pintuan niya na nagbukas. “Bakit ka nandito?” nagtatakang tanong ni Jack. Imbes na sumagot kaagad ay naglakad si Jones patungo sa kama ni Jack at biglaang nahiga doon. “Wala lang. Manggugulo lang,” tinatamad na sabi ni Jones na relax na relax na nakahiga sa kama. “Tapos ka na ba sa assignment natin? Mamaya hindi pa tapos nanggugulo ka lang dito,” sermon ni Jack na ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Wala silang pasok sa school ngayon. “Kanina pa ako tapos kaya nga nanggugulo na ako,” sabi ni Jones saka ngumiti. “Ikaw? Bakit hindi ka pa ta

