#ILoveYouBro CHAPTER 26 Natapos na ang bakasyon nila sa Taytay Rizal at sila’y nakauwi na sa kanya-kanyang bahay. Nalaman na rin ng mga magulang ni Jack at Humph na naging sila na at naging masaya naman ang mga ito sa kinahantungan ng panliligaw ng huli sa una. Naibigay na rin nila ang mga pasalubong, bukod sa magandang balitang natanggap nila dulot ng pagiging magkasintahan nila Jack at Humph, nakadagdag rin sa sayang nararamdaman ng mga taong nasa paligid nila ang mga pasalubong na para sa kanila galing Taytay. “Nakakabitin ‘yung bakasyon natin sa Taytay. Parang gusto kong bumalik doon at gugulin ang mga natitira pang araw ng bakasyon,” sabi ni Jack kay Humph. Magkasama sila ngayon sa playground na nasa loob ng subdivision na tinitirhan ng una. Nakaupo sila sa swing, s

