#ILoveYouBro CHAPTER 34 JACK MONDRAGON POINT OF VIEW: Nandito ako ngayon sa isang café na malapit sa pinapasukan ko. Kasama ko sila Yohan at Russel na talagang pinuntahan pa ako sa opisina kanina at napagpasyahang dito na muna kami manatili dahil break time ko pa naman. Nasa bandang dulo ang mesang pang-apatan na inuupuan namin. “Parang ayaw mo naman kaming makita,” sabi sa akin ni Yohan. Napatingin ako sa kanya. Magkatabi sila ni Russel sa kaliwa habang mag-isa lamang ako dito sa kanan. “Hindi naman. Nakakabigla lang kasi ‘yung pagbisita niyo,” sabi ko sa kanila. Nabigla naman kasi talaga ako at hindi ko inaasahang bibisita sila sa akin. “Pasensya ka na dito kay Yohan. Nagpumilit kasi talaga siya na bisitahin ka ng walang pasabi,” sabi naman ni Russel.

