Agad kong itinulak si Ashteroh saka umalis mula sa pagkakaupo sa mesa. “Ano ba'ng trip mo?! Hindi ka pa ba tapos sa pagpapahirap sa akin?!” naiiritang tanong ko. “Tapos na 'ko sa pagpapahirap sa 'yo. Gusto naman kitang pagsilbihan ngayon.” Hinawakan n'ya ang balikat ko at pinaupo ako. “Diyan ka lang, Ma'am. Ipagluluto kita,” sabi n'ya habang nakatitig sa akin. Muli akong natahimik sa sinabi n'ya. Muli na namang naghuramentado ang puso ko... pakiramdam ko bumabalik kami sa dati, noong mga panahong hindi pa magulo ang lahat. “Ayokong kainin ang iluluto mo. Siguradong hindi masarap,” sabi ko na lang saka inismiran siya. Napangiti naman siya habang nakatitig sa nakasimangot kong mukha. “Masarap naman ako magluto. Saka hindi kita ipagluluto ng hindi maganda para sa 'yo lalo kakagaling mo l

