Mabigat ang kalooban ko nang umuwi ako. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Ashteroh... wala na rin naman akong lakas ng loob gawin 'yon. Parang malakas na sampal sa mukha ko ang mga sinabi n'ya... Hindi na talaga n'ya 'ko mahal. Ano pa ba ang aasahan ko? Imposibleng mahalin n'ya pa rin ako matapos ng ginawa ko sa kanya. “Ma'am... nandito na po tayo.” Napapitlag na lang ako nang kulbitin na ako nang tricycle driver. Doon ko lang napagtanto na nandito na ako sa tapat ng apartment ko. Ni hindi ko man lang napansin sa sobrang lalim ng iniisip ko. Buti na lang mabait ang driver na 'to. “S-Salamat po, ito po ang bayad,” sabi ko na lang saka inabot ang bayad ko. Agad akong bumaba ng tricycle at pumasok sa apartment. Napabuga na lang ako ng hangin at napahilot sa sentido ko. Medyo okay na ako

