"Namimiss na kita, boss..." ungot ko habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. "Miss na rin kita, Ma'am ko. Pagkatapos ko sa trabaho ko... pupuntahan kita agad diyan sa inyo. Hmm?" tanong n'ya, tila naglalambing ang boses. Napakagat ako sa ibabang labi ko upang magpigil ng ngiti. Kahit palagi siyang busy nitong mga nakaraang araw, palagi pa rin siyang naghahanap ng time para puntahan ako o kaya naman tulungan ako sa mga schoolworks at thesis ko. Siya na talaga, best boy ng buhay ko. "Boss, magpahinga ka rin ha. Ayokong magkasakit ka. Pagpunta mo rito matulog ka kaagad sa guest room o kaya sa kwarto ko na lang," saad ko saka bumangon. Natawa si Ashteroh sa kabilang linya. "H'wag na, Ma'am. Nakakahiya kay Tita. Saka nagpapahinga rin naman ako, don't worry." Nag-retire na kasi ang

