Plans

1724 Words
17th Blood: Plans “Stupid plans are stupid… and fun.” “HETO na!”             Natatakot si Raven na tignan ang iniabot ni Chiri na printed plan ng fair para sa susunod na linggo. Sa mga nakakaulol pa lamang na ngiti ng mga ito’y may pakiramdam na siyang hindi niya magugustuhan ang nakalagay sa papel. Lalo na kung ang nag-plano nito ay isang loka-loka, dalawang monggoloyd at isang uto-uto.             “Tell me I’m not going to freak out.”             “Nope!” nakangiti ng sobrang lapad na sagot ni Chiri. “Matutuwa ka.”             Usually, kabaliktaran niyon. But fine, she’ll give them the benefit of the doubt. Huminga siya ng malalim saka binuklat ang papel. Nanlalaki ang ulo niya habang binabasa ang mga nakasulat doon. Sinubukan niyang i-digest lahat pero hindi talaga arok ng utak niya.             “Okay. Bakit may powerpuff touch?”             Humagikgik si Chiri. Tingin yata nito’y natutuwa siya sa ideyang iyon. “Para kyot!”             Napangiwi siya. “Ano’ng kyot sa powerpuff touch?”             “Iyong mga damit s’yempre!” sakmat ni Victoria na nakangiti rin ng sobrang lapad. “Maganda naman ang idea namin, hindi ba? ‘Di ba?”             Nasapo niya ang kanyang noo. Ang dami niya pang gustong kwestyunin pero pakiramdam niya’y nagsasayang na lang siya ng oras dahil hindi naman yata magpapaawat ang mga ito.             “Ah, fine! Start hyping these up, bahala na kayo sa buhay n’yo!”             Sunod-sunod ang pasasalamat nila. Natatawang naiiling lang naman si Quincy. Lumabas si Raven mula sa Ilumina at iniwan ang mga ito na nag-uusap usap tungkol sa mga dapat na gawin. Dala niya ang printed plan at nagtungo sa opisina ni Glenn para papirmahan iyon. Sagot man nina Victoria at Chiri ang budget sa fair pero sakaling may iba pang kailangan, at least ay makakapaglabas sila ng extra.             Mabilis siyang pinapasok ni Glenn. Nagulat siya’t napahinto papasok nang makita niyang naroon ang Black Beasts at nagkakape sa sofa roon kasama ang kanyang ama. Si Kill ay nakangiti sa kanya na sinuklian niya ng matipid na ngiti. Ayaw niyang maging sentro na naman ng pang-aasar ng tatay niya kapag nakita nitong nagkakamabutihan sila ng binata.             “Uh… wrong timing ba ako, Sir?”             “Hindi, hindi,” sagot ni Glenn na tumayo na minumuwestrahan siyang lumapit. “May kailangan ka, anak? May problema na naman ba?”             “Nah. Papapirma lang.” Lumapit siya’t ibinigay dito ang hawak. “Printed plan for the fair next week.”             Nakita niyang kuminang ang mga mata nito sa likuran ng maskara habang nirerebesa ang papel. “Wow! Hindi na boring, anak! Ikaw ang gumawa?”             Narinig niyang nagpipigil ng tawa sina Strides at Arden. Tumiim ang bagang niya’t binalingan ang mga ito ng matalim na titig. “Kung ako ang gumawa, Sir, ang kauna-unahang activity na nakalagay d’yan ay ang pagtatahi ng bibig ng mga vegan na werewolf.”             “Glad I’m not a vegan,” nakangising sagot ni Arden.             Anyong amused ang ipinalit niyang reaksyon. “Oh you’re not? But I saw you eating seaweeds at the cafeteria yesterday. Thought you’re a vegan.”             Tinawanan ni Strides ang katabi. Nahuli niyang ngumiti si Kill at ang katabi nitong si Jensens ay ngumisi. Si Glenn naman ay nakatingin sa kanya at parang nag-iisip. Hindi yata nito nakuha ang joke.             “Ginawa ‘yan nina Victoria, Tsuka, Chiri at Quincy. Stealth told me na sagot na nila ang budget but just in case, we still need a fall back. I originally plan not to have a fair. It’s exhausting.”             “It’s a good thing may tumutulong na sa ‘yo. Well you guys can start the preparations now. You only have six days to build things you have to build. Go shop, rent stuff… I’ll send memo to the instructors na ‘wag na munang gamitin ang field para maihanda n’yo.”             “We also have to use the Pentagon. And I have to use my car for things we needed to buy. My keys are back home, I need to get back.”             “Okay you can—”             “Nah, wait,” biglang sabad ni Kill kaya napatingin sila rito. “I have my car with me. Pwede kitang samahan.”             Ngiting siniko siya ni Glenn. “Dalaga ka na, anak, ha!”             Tumawa ang dalawang taong-lobo.             “Dalaga na si Raven de binata na rin si Kill!” nakakagagong pagtatawa ni Strides.             Hinarap niya ang binata, agad nitong itinikom ang bibig para pahintuin ang pagtawa. Welp, buddy, it’s too late. “Actually, there’s a powderpuff touch football. The school will sure be happy if you’ll participate. I’ll fix things to let you in.”             Namilog ang mga mata nito. “W-what? Hey! Oy hindi ako babae! Walang ganunan!”             “I can fix that. In the meantime, I’ll be going.”             Tumatawang sumunod sa kanya palabas si Kill. “Well that’s amusing. Seeing you arguing with both the resident bullies.”             “Your friends are very annoying, CC.”             Umakbay sa kanya ang binata at kinintilan siya ng halik sa pisngi. Sanay na siya sa ganoon ni Kill. For the past few weeks, she realized Kill is a touchy person. Pero ang mga estudyante sa Academy ay mukhang hindi pa rin talaga sanay at pinagtitinginan pa rin sila hanggang ngayon.             “I think I have a brilliant way para makaganti tayo sa kanila.”             Natigilan si Raven at namilog ang mga mata nang makita niya ang ngising pumorma sa labi ni Kill.             No s**t, Sherlock!             “Hell no! I’m not gonna join that stupid game!”             Sa kanyang pagkadismaya’y tumawa lamang ito at pinangko siya. “Oh you would. Trust me, angel.”             I’m. In. Deep. s**t.   PAGBALIK nila galing sa pamimili at pag-aasikaso ng mga inupahang banda at kagamitan ay ipinaayos ni Raven sa ibang Knight Templars ang sound system ng school para mag-anunsyo ng schedule ng Saint Valentines fair next week.             Base sa ginawang schedule ni Victoria, ang unang gabi ay inilaan para sa banda. Sa second night nila ipapakilala ang mga na-nominate na Prom Prince and Princess at pati iyong mga kasali sa powderpuff. Sa third day ay sports fair, doon din gaganapin ang powderpuff touch kasabay ng iba pang mga palaro. Sa gabi niyon ay iaanunsyo ang mga nanalo. Sa fourth night ay may fashion show. Ipinahiram ni Kill ang mga modelo nila sa kompanya para roon. Sa fifth night naman ay magkakaroon ng play mula sa drama club. At ang huling gabi bago mag-prom night ay tatawagin nilang Silent Night. Magsisindi lamang sila ng bonfire at magkukwentuhan. Pagkatapos, ang seventh night ay ang prom night na.             “What are you doing, angel?” tanong ni Kill na sumulpot sa kanyang likuran.             Binalingan niya ito at iwinagayway ang tablet niya na naglalaman ng schedule ng fair. “Mag-aannounce.”             “May schedules ka na?”             Tumango siya at ipinakita sa binata ang schedule na ginawa ni Victoria. Mamaya lang ay ipo-post na niya iyon sa bulletin screen.             “We can make this a little more interesting.”             “Really? What do you suggest?”              “This powderpuff. We can make another powderpuff touch that is especially for us.”             Napakunot si Raven ng noo. “Us? Ano’ng us?”             “Listen.” Hinila ni Kill ang isang swivel chair doon at tumabi sa kanya. “Originally, powderpuff is for girls. If we can make a pair powderpuff, it’ll be interesting.”             “But this is touch football, Kill. We can’t go in pairs.”             “Well why not? Pairs can be good. One will serve as quarterback, the other will do the blocking.”             “Impossible. We can’t go for the goal if there’s only two members.”             Napangiti ang binata at itinabi sa likuran ng kanyang tenga ang buhok niya sa gilid na humaharang sa kanyang mukha. “Oh trust me, you have opponents that will break the impossible.”             Lalo siyang nalito sa sinabi nito. “What are you thinking?”             “Me and you versus Black Beasts’ partners. If Vic and Quincy wants to get in, then we’ll let them in.”             Napaisip si Raven. Sa rules ng touch football, pwede namang maka-score lalo na kung werewolves at vampire ang maglalaro. Naalala niyang black blood nga pala ang mga iyon.             “Shouldn’t we enclosed it para sa mga black bloods lang?”             “Yes, in case. But we will play this game normally,” then he winked at her saka naglabas ng cell phone. She noticed that he dialled a few numbers and then he clicked the loudspeaker. “Yo’, guys. You’re on conference call.”             “What do you need, Kill?” Raven recognized the voice as Seige Gray’s. Namilog ang mga mata niya nang ma-realize ang ginawa ni Kill. Tinawagan nito ang Black Beasts!             “Actually, here’s the thing. May sports fair next week and there’s a little twist sa powderpuff touch. Guess what I did?”             “I do not have a lot of time to listen to you, I’m chasing someone now, Kill.” Iritadong reklamo ni Rain Jensens na paputol-putol ang linya dahil marahil sa signal kung saan man ito naroroon.             Napangisi si Kill. “I listed us in a powderpuff game, with your chosen partners. Good idea, huh?             Samu’t-saring protesta ang narinig nila. May isang minura si Kill, may sigaw ng sigaw at may nagtatangkang saktan ang binata. Kagat-labi lamang na napatingin siya sa binata. Nakangisi ito sa kanya at nakuha pa siyang nakawan ng halik. Nang mamatay ang tawag ay hindi niya namalayang natatawa siya. Saka niya lang na-realize nang marinig niyang tumawa rin si Kill kasabay ng tawa niya. Raven had never laughed and felt… happy. Sa tingin niya’y magiging masaya nga ito.             Kill is right. This is going to be fun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD