30th Blood: Loophole “You can’t change the world without getting your hands dirty.” “WE NEED to do something. This has been going on for a day,” nag-aatubiling bulong ni Victoria sa mga kasamahan habang takot na takot na sinisipat ang nakabukas na silid sa itaas ng mansyon ni Kill. “He’s dressed her, washed her up, fed her blood like she’s alive. Kill lost it, we need to do something!” Pinagsaklob ni Tim ang kanyang kamao. Bumuntong hininga siya at mariing napapikit. “We have to get rid of Kill. He’ll wreak havoc once he snaps out of this.” “Teka, h’wag,” mabilis na pigil ni Crissa. “Kaya mong gawin ‘yon sa pinsan mo? Kaya mo siyang patayin?” “Hindi mo ba nakikita? Hindi na siya ang dating Kill. He will be replaced by a monster one of these days

