Forgotten

3324 Words
8th Blood Forgotten “To be able to forget means sanity.” “MILADY, Lord Cain Hamilton called. He wants to know if you would want a favor to be done for the  Weinlords. He offered his help in behalf of his grandson. He says it’s his way of welcoming you in the family and said to call him back immediately if you have a need for anything.”             Napaingos siya sa sinabi ng kanyang butler na si Scott. Agad na bumulong ng paumahin ito at tumungo. Bumuntong hininga si Raven at nakaramdam ng udyok na pagsasaksakin ang mga cabbage na nakahiwalay sa tabi ng kanyang pinggan.             “Jesus, way to go to ruin a good meal!” saka inis na isinubo niya ang isang pirasong ubas. “Sabihin mo kay Lord Cain pag-iisipan ko pa. O saka na lang kapag kailangan ko. Bahala ka na sa sasabihin mo. And I hope it gets to their thick skull that I don’t want to marry that stupid vampire!”             Kasalanan ito ng manyak na ‘yon! Ngitngit ni Raven sa isipan. She remembered how surprised she was nang bumisita si Cain Hamilton sa kanilang bahay. Kinausap nito ang kanyang ama. Mayamaya lang ay pinatawag na siya sa silid-aklatan at doon sinabi ng mga itong ipinagkakasundo na sila ni Kill na ipakasal.             She didn’t know what her father acquired from the deal pero mukhang masaya ito nang matapos ang usapan. He was so hopeful na hindi siya tumutol noong bumaling ito sa kanya matapos masabi ang binabalak ng mga ito. It seemed important to him and that stopped her from protesting the arrangement.             “M-milady, pasensya na ulit sa istorbo,” muling pasok ni Butler Scott sa dining area habang nag-uusap sila ni Maria, ang kanyang personal na tagapagsilbi. “May mga panauhin po kasi kayo sa labas ng gate.”             Napaarko ang kanyang kilay. “This early in the morning?”             “Tatlo sila, Milady. Dalawang babae, isang lalaki.”             Napapikit siya ng mariin. Mukhang alam na niya kung sino ang mga asungot na nasa labas ng bahay nila ngayon. Hindi na yata talaga matatapos ang pagpapasakit ni Kill sa kanyang ulo!             “Milady, papapasukin ko ba sila?”             “Fine, let them in.” Para namang may choice siya.             Ipinagpatuloy niya ang kanyang kinakain. Tumayo na si Maria at pinilian siya ng mga prutas dahil nakita nitong itinatabi niya lang ang cabbage sa gilid ng kanyang pinggan.             “Cooey!” patiling tawag ni Chiri sa kanya. Sa loob-loob ay napaungol siya. Here we go again.             Hinatak ni Butler Scott ang upuan sa may kaliwang bahagi niya para paupuin si Chiri. Maria on the other hand pulled out the chair sa pangalawang seat sa kanan at doon naupo si Victoria. The woman smiled and mumbled a simple thank you. Mga ilang segundo pa’y may humatak ng upuan sa kanan niya, ang silyang katapat ni Chiri, at naupo roon si Kill na agad natuon ang atensyon sa mga cabbage na nakaipon sa gilid ng pinggan niya.             “Oh. Not a fan of cabbages, eh?”             Ngumiwi si Raven nang itaas nito ang isang pirasong repolyo para titigan na tila kinakausap nito ang gulay. God, he’s really weird.             “Kill, ibaba mo nga ‘yan,” pabulong na saway ni Victoria sa katabi. “That’s very rude!”             “Cabbage boy ka pala, Kill?” singit ni Chiri matapos sabihin sa isang kawaksi kung ano’ng gusto nitong kainin.             “My Lord?” tanong ng isa pang kawaksi kay Kill and Kill mumbled ‘coffee’ na agad namang sinalinan sa tasa nito samantalang si Victoria ay juice lang ang hiningi.             Ngumiti si Kill kay Chiri pagkatapos ay bigla na lang isinubo ang repolyong hawak. “I’m not a vegan though, I’m a bloodsucker. But I think Courtney should try eating vegetables. It’s good for the health.”             Umirap siya sa sinabing iyon ng binata. “Cut the chase, what on good earth are you doing here?”             Ngiting inilapag ni Victoria ang orange juice na iniinom at ito ang nagprisintang tumugon sa kanya. “We’re inviting you to go out. Weekend naman ngayon, hindi ba? Walang pasok, wala ka naman sigurong gagawin kasi wala tayong homework sa kahit na ano’ng subjects. Kaya sige na, Raven. Payag ka na? Huh?”             “Uh… didn’t we have rules, Vic?” nagtatakang singit ulit ni Chiri. “Hindi ba… bawal tawagin si Cooey na Raven?”             Litong napatunganga si Raven sa tatlo. Hindi niya nauunawaan ang pinag-uusapan ng mga ito.             “Eh… I’m sorry, Kill,” nagkakamot na wika ni Victoria sa katabi. “Nasanay kasi ako sa pangalan niyang ‘yon, eh.”             Hindi sumagot si Kill. Kinakain lang nito ang mga cabbage na nasa pinggan niya kanina. Para ngang nag-eenjoy pa ang kumag. Nagtataka tuloy siya. Hindi ba’t hindi naman kumakain ang mga bampira? She wondered kung mayamaya’y isusuka rin nito ang mga kinain.             “Kill?” Victoria gave him a disgusted look. “Ano ka ba naman? If you want your own then go ask for one. Hindi mo kailangang kumain ng itinabi ni Ra— I mean Courtney.”             “Oh I’m sure she wouldn’t mind.” He grinned then looked at Raven. “I can even taste the sweetness of that watermelon she’s eating by her mouth and she won’t mind. Right, Courtney?”             Napatingala si Raven sa kisame at napaungol, silently praying na bigyan pa siya ng mas mahabang pasensya. Then he scooted right next to Raven, pagkatapos ay nakangising iniumang ang labi para sana halikan siya nang itaas niya ang hawak niyang tinidor sa may kanang kamay at itapat sa mukha ng binata. Tuwang-tuwang tumawa ito at may panunuyang dinilaan ang tinidor bago bumalik sa silya.             “Napakababoy mo talagang bampira ka! Ano ba kasi talagang kailangan mo sa akin?”             “The Saint Claires, the Hamiltons and your father decided that since Kill is now your fiancѐ, you can get together and start knowing each other now,” pabuntong hiningang sabi ni Victoria. Raven cringed. “Kaya… kaya sinabihan niya kami na samahan ka during weekdays at school and take you out at weekends.”             “Weekends? Weekdays? Is he insane?”             “He said he’ll strip you off the black room if you don’t go with us.”             Bullshit! Hindi gagawin iyon ng kanyang ama sa kanya! Inis na bumaling siya kay Kill at idinuro ang nakangising bampira. “Kagagawan mo itong lahat! Pakana mo na naman itong bwisit ka!”             “Oh come on, angel! Hindi ko naman kasalanang malakas ang convincing prowess ko and I got to convince my Mom to fix this for me. After all, both my Mom and Dad are quite thrilled with this idea. They are just dying to meet you,” saka siya nito kinindatan na parang gustong ipahawatig nitong may sekreto silang dalawa na sila lamang ang nakakaalam.             Sa nararamdamang inis ay humigpit ang hawak niya sa tinidor. Feeling niya’y malapit-lapit na niyang maitarak sa mukha ni Kill iyon. Swerte nga lang nito’t isa siyang sibilisadong nilalang!             You can hold it all together. You can hold it together, you’re not losing control over an insane bloodsucker. He’s totally not worth it.             “I’m not going with you. Weinlord’s mansion is just the right place for someone like me.”             “And that’s why Mr. Weinlord said you have to have a social life, Courtney,” pangangatwiran naman ni Chiri, dahilan kung bakit nagtaas ng bahagya ang kanyang boses.             “Social life? f*****g social life my ass!”             Victoria’s mouth went wide open, her jaws fell. While Kill simply stared amusedly at her. “Wow. That sounded so sexy, Courtney. I like you high pitched. Kind of what I imagined you’d be when you’re in bed with me.”             Mariin siyang napapikit para pakalmahin ang sarili. “My bed and my computer is my social life, I am not going anywhere and neither anywhere near a p*****t vampire!”             “See? You’re even chosing computers over people,” mahinang pakli ni Victoria.             “Dahil mas may sense silang kasama kaysa sa mga tao lalong-lalo na sa demonyong bampirang ito!”             “Aww. You’re breaking Kill’s heart, Cooey.” Nakanguso na si Chiri nang magdilat siya ng mga mata ngunit agad ding ngumiti na para bang biglang may naisip. “Which is why I made a special project.”             Naihilamos ni Raven ang kamay sa kanyang mukha. “What project?”             “Tantadadan! Operation how to love!”             Oh hell. This just keeps getting worse.             “Operation… how to love?” ulit ni Victoria na tinanguan ni Chiri.             Naglabas si Chiri ng isang papel buhat sa bulsa nito. “Here are the list. Dapat ma-achieve natin itong goals and what-to-do’s ng list na ‘yan. By the end of that list, Cooey shall feel the magic of love.” Then she sighed dramatically. “Tapos mai-inlove na siya kay Kill. Edi quits na, tuloy na sa kasalan.”             Nakita niyang tumatango-tango si Victoria habang si Kill naman eh nakangisi lang. Minasahe niya ang kanyang noo at nagsisimula na siyang makaramdam ng p*******t sa kanyang sentido. “Goodness. Stealth, I have a strong faith that you have at least one percent of sanity left in your system. Please, I beg of you. Don’t fail me.”             Nawala ang ngiti ni Victoria at napanguso. “One percent? Ouch naman, Courtney! Akala ko magkaibigan tayo?”             Malalim ang muling pagbuntong hininga ni Raven. “Guys, this is stupid and you know it very well.”             “And I know very well you’d say that.” Si Kill naman ang nagbuntong hininga. Nang balingan niya ito ng atensyon ay seryoso na ang binata. Wala nang ngisi sa mukha nito at pawang ang banyagang emosyon lamang na iyon ang naroon. She didn’t even know what to call that emotion.             “Gusto kong matulungan ka, Courtney. Gusto namin na matulungan ka. All I know from what happened to you are merely guesses from my part dahil ayaw mo kaming tulungan na matulungan ka. You have turned off your emotions, angel. Do you know what that means for an immortal? You could be a remorseless killer and you wouldn’t even know! That is why we want you to try to help yourself. Have a little faith in us please…”             Kahit na katiting ay wala siyang naunawaan sa sinabi ni Kill. Narinig niya ang mga iyon ngunit hindi niya naintindihan. Para bang ibang salita ang ginamit nito. Ibang lenggwahe.             Gayunman ay may parte sa kanyang inuudyukan siyang sumunod lamang sa binata. A part of her rose up. It was like a tiny little fluttering petal inside her heart, na alinmang oras ay maaaring mawala’t mapigtas. Naisip niyang wala namang mawawala kung susubukan niyang sakyan ang kalokohan ng tatlong ito.             Kaya’t sa gitna ng mahabang katahimikan ay pabuntong hininga siyang tumayo at nagpaalam. “Fine. Stay here, I’m gonna go get dress.”             Pagkalampas niya ng dining table ay agad na sumunod ng tahimik si Maria paakyat sa itaas ng kwarto. She pulled the bathroom door open and Raven stripped off her clothes. Nakahanda na ang bath tub at amoy na amoy niya ang matamis na halimuyak ng presa sa tubig.             “Pwede na po kayong maligo, Milady.”             Tahimik siyang naligo. Nakaantabay lamang si Maria sa kanyang tabi para sa lahat ng kanyang maaaring kailanganin. Mayamaya’y hindi nakatiis ito sa katahimikan. “Milady?”             “Mm?”             “He looks concerned with you, Lady Raven. Did you see?”             “I don’t even know what concern is, Maria.”             “Concern is… when you worry if you tire me with chores too much. Concern is when you make me go to rest when my head aches and you see me frowning. Concern is when you want to ease the pain on someone but you know you just can’t.”             “Oh.” At wala na siyang ibang nasabi pa roon.             After all, everything she felt was just a distant memory now. Raven doesn’t know what is what. Nagpapasalamat na nga lamang siya’t naroon si Maria para gabayan siya.             Matapos niyang makapaligo’t mag-ayos ay lumabas na sila ni Maria para sana pumanhik na pababa. Subalit naningkit ang kanyang mga mata sa pagsalubong ni Kill sa kanila sa pasilyo. Ito lamang mag-isa at walang kasunod na Chiri o Victoria.             Pinauna niya si Maria na nginitian lamang siya at binilinang maging ligtas. Naiwan sila ni Kill doon. Nang mawala ang kawaksi sa kaliwang likuan ay saka siya bumaling sa binata. “Ano’ng problema mo?”             Dikit na dikit ang mga labi nito, tila nagtitimpi ng galit. Kung saan nagalit ito’y hindi alam ni Raven. And the next words that came out of his mouth made her understand what he saw. “Was it really necessary for you to take out their memories just to have servants?”             Hindi na siya nagugulat na malalaman ni Kill ang tungkol doon. Every maids and servants brought in the mansion are to be wiped off of memories except for Butler Scott. Even Maria doesn’t have memories. Raven think it’s essential to have them out of memories para nasa pagsisilbi lahat ang focus nila. That way they can serve her well.             “Ano naman ngayon sa ‘yo, Kill? Hindi n’yo ba ginagawa iyan sa mansyon n’yo?”             Marahas na nagmura si Kill na bahagya niyang ikinagulat. “Courtney, hindi mo ba naiintindihan? Tao sila. Hindi sila mga hayop o robot na pwede mong alisan ng karapatang alalahanin ang mga bagay na gusto nilang maalala. Hindi mo pwedeng gawin ‘yon para lang may matawag kang alila!”             “That’s weird coming from someone who kills people to live.”             “I do not kill people,” he said through gritted teeth.             “Oh yeah? How then, pray tell, do you drink blood? Bite them, take out their memories of you hurting them? Same difference!”             “This is not about me!”             “You’re right, this is not about you. This is about me. Kaya wala kang pakialam do’n. No one died and gave you any right to be king of my life!”             Hindi na nagulat si Raven nang mariing hawakan ni Kill ang kanyang mga braso at alog-alugin siya na parang isang rag doll. Mas nagulat nga siyang napakagaan ng hawak nito sa kanya na para bang kahit galit ay ayaw pa rin siya nitong saktan.             “Listen to me, Courtney. Hindi mo kailangang alisin ang mga alaala nila para magkaroon ng kasama sa mansyong ‘to. You can always make friends by your own! They are humans, they have the right to feel and be free to remember! Do you know how it hurts to be deprived of the memories that’s going to make you happy or sad or angry? That means depriving them off the right to feel! And that’s not going to be fair for them. Hindi ka Diyos para gawin ‘yon sa kanila!”             Umismid siya sa binata. “Your parents sure know how to discipline a vampire kid the human way. You certainly has a soft spot, Kill.”             “Yes, I do but I don’t care. Kung gusto mo ng mga taong magsisilbi sa ‘yo, just ask and people are going to do that for you without you taking out their memories. Kung gusto mo ng mga taong kagaya ni Maria para samahan ka’t ngitian o kaya eh kausapin o bihisan, ask and someone will be more than willing to do that for you without you taking out their memories. Kung gusto mo ng taong magmamahal sa ‘yo, you don’t even need to ask, you just have to let me in and you have it! This was just a simple thing, Courtney. It’s just that hindi mo binibigyan ng pagkakataon ang sarili mong palayain lahat-lahat ng nakakulong sa loob mo.”             Forgetting was one way of escaping the pain, they say. But there are people who didn’t want to forget and instead, take on the pain full speed ahead just for the sake of having something to remember.             At aaminin ni Raven na naiinggit siya sa mga taong iyon. Because they weren’t afraid to take the pain. Because they weren’t afraid to remember the pain that comes with the memories. Ang naaalala lamang niya habang tinatanggal ang mga alaalang iyon ay ang kanyang kagustuhang iligtas sila mula sa sakit.             But Maria… Maria is so sweet to Raven na halos ibuhos nito ang buong atensyon sa kanya. She worries for her day in and day out, she thinks of their memories together and that’s what Raven wanted for someone to do: think about her nonstop. She hungers for attention, that might be true. But she loves Maria. She was like a mother to her who won’t get tired of taking care of her.             And Raven doesn’t want that to end.             “Guys? Okay lang kayo?” Chiri’s voice snapped the tension between her and Kill.             Kumalas siya sa pagkakahawak ng binata sa kanyang balikat. Nahuli niya ang sakit sa mga tingin ni Victoria nang makita nito ang ganoong ayos nila ng bampirang iyon. Palihim na napairap siya.             “You guys ready?”             Tumango siya kay Victoria. “I’m done. Let’s go.”             Dama ang makapal na tensyon sa pagitan nila ni Kill habang naglalakad. Pilit na pinapagaan iyon ng usapan nina Chiri at Victoria sa harapan tungkol sa isang chick flick na pinanood nito noong isang gabi ngunit hindi naibsan niyon ang nakakailang na katahimikan.             Pagdating sa garahe’y binuksan ni Raven ang pintuan sa likuran sa tapat ni Chiri. Si Victoria naman ay ang unahang pintuan ang binuksan, katabi ni Kill.             “Wait, no,” pigil ng binata na nagpatigil naman sa tatlo. “You two, switch places.” Tukoy nito sa kanya at kay Victoria.             Nagtaas siya ng kilay. “What? Why? I’m fine with sitting a little far away from you.”             “Well, unfortunately you are my fiancѐe so it’s just right and understandable that you sit beside me. Victoria, lumipat ka sa tabi ni Chiri. Dito ka sa tabi ko, Courtney.”             Wala siyang choice kung hindi ang tumalima. Si Victoria ay malungkot na lumipat sa tabi ni Chiri na mukhang hindi naman pansin iyon because she began rambling about going to the Reinnasance Mall to buy some stuff and have fun.             Tumingin si Raven sa bintana, hindi napansing naisatinig niya ang mga iniisip. “I wish for Victoria to forget about the pain of loving someone who doesn’t even give a damn about her.”             Narinig niya ang bahaw na pagtawa sa kanyang tabi. Noon niya napagtantong narinig nito ang sinabi niya.             “Forgetting is the coward’s way out, Courtney. And it doesn’t always apply to everyone because not everyone is as coward as you.”             That’s a hard truth, Raven acknowledged that. But she tried being brave once and look where it got her…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD