4th Blood
Again
“The only people who can change the world are the people
who want to. And not everybody wants to.”
“QUINCY! Ilang beses ko bang sasabihin na h’wag na h’wag
mong dadalhin ‘yang baliw na ‘yan sa Ilumina? You know that she startle every person in the hallways and the doorways! Bakit ba hindi mo ma-gets ‘yon?”
Damn it all to earth! Why do I have this merry half-human half monster as my Templars for this entire school year? Ngitngit niya sa isipan habang pinagmamasdan ang dalawang magkatabi sa kanyang harapan.
Malapit na malapit na siyang mabaliw sa mga ito. Hindi na makaya ng kanyang kaisipan ang mga kabaliwan ni Tsuka at ni Quincy.
“Eh… pasensya na. Nagpumilit kasi siyang makita si Chiri,” kakamot-kamot sa ulong ani Quincy.
Napabuntong hininga si Raven. Nilapitan niya si Tsuka at pinakatitigan. Maliit na babae lamang si Tsuka. Halos kalebel lamang ng kanyang dibdib ang taas nito. Kakatwa ang dalaga dahil parehong kulay lila ang mga mata’t buhok nito. Noong unang dating ni Tsuka, pinagkamalan niyang cosplayer ito. Hindi lang siya, maging ang ibang estudyante’y iyon din ang inakala. They think Tsuka is weird.
But Raven was surprised when she applied to be a Tempress. Natuklasan niyang kalahating mortal at kalahating manggagaway si Tsuka at may liksi rin sa pakikipaglaban. Tsuka is now in her third year. Si Raven naman ay fourth year na… ulit.
“Eight years nang wala sa Black Blood Academy si Chiri, Tsuka. Utang na loob, ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yan? Si Quincy na ang in-assign ko sa Ilumina para sa detention at punishments ng mga stampees. Intindihin mo naman ang sinasabi ko.”
Ngumuso sa kanya ang dalaga. “Pero gusto kong makita si Chichiri.”
“Alam ko. Pero wala na nga sila.”
“Sabi no’ng mga taga Section Merida, babalik raw si Chiri kapag bumalik rin ang mga Black Beasts. Bumalik na ba sila, Raven?”
Susmaryosep, ang kulit!
Nagkatinginan sila ni Quincy. He shrugged his shoulders na mukhang wala namang interes sa usapan. After all, hindi naman na talaga ito nagkaroon ng interes sa mga ganitong bagay. Lalong-lalo na kapag Black Beasts ang pinag-uusapan.
But thing is, eight years na ring hindi bumabalik ng Black Blood Academy ang Black Beasts since graduation dating back in mid summer of 3267 B.D.C. (Before Dreasiana Colony) or the Anno Dommini in normal language. Hindi niya tiyak ngunit sa palagay niya, kung ico-convert iyon sa dating kalendaryo, nasa 33rd century na dapat sila. Sa kasalukuyan ay nasa 9th A.D.A. (After Dreasiana Ascension) na sila o kung ipagpapatuloy iyon mula sa normal na Western Calendar ay magiging year 3276.
Normally, every four years ay bumabalik na kaagad ang mga dating black bloods na nagsipagtapos. Parang rounds lang. Palitan. Every four years or every graduation ng mga dating red bloods na nag-aaral dito, babalik sila para hindi suspicious at hindi magtaka ang iba kung bakit nandito pa rin sila at parang hindi umaalis. Kailangan ding palitan ng Academy ang mga yearbooks na uusisain ng mga red bloods dahil siguradong buking sila kung makikita nila ang parehong mukha year book after year book.
But oddly, walong graduation na ang natatapos eh hindi pa rin bumabalik ang Black Beasts—which to majority of the black bloods’ dismay. Kasama na roon sina Chiri at ang mga Beta ng apat na alagad ng kampon ng kadiliman.
Este ng Black Beasts…
“Wala na sila. Now we do our duty. Forget about this dahil napapagod na ako ng kaka-isplika sa ‘yo kung bakit wala na si Chiri o ang Black Beasts dito sa school na ‘to. Ano’ng malay n’yo? Namatay sa giyera.”
Namilog ang mga mata ni Tsuka at sumimangot. “Ang sama mo talaga, Raven.”
Nagkibit siya ng balikat bilang tugon. Mga ilang sandali pa’y may ipinakita si Quincy sa kanya na isang papel. Tila isang listahan at may header ng Academy sa itaas.
“Kailangan nating kunin ang orders ng dagdag na varsity jackets at uniforms sa Ye’ Roucha sabi ng Daddy mo. Magpapalit na lang daw ako sa ibang Templar para sa pagroronda ko.”
Tinanguan niya si Quincy. Paalis na sana sila nang mabaling ang tingin nito kay Tsuka na malungkot na nakaupo sa silya at nakatungo. Bumaling ito sa kanya at nagsuhestyon. “Isama na lang kaya natin si Tsuka? I can’t risk her going around the red bloods. Baka mag-freak out sila sa kanya.”
Mainam na ideya iyon para kay Raven kaya’t pumayag siya.
Si Quincy at si Tsuka ay para na ring magkapatid. They are pretty close kung si Raven ang tatanungin. They are absolutely both very weird in nature. Si Quincy, loner. He has one of the most weird powers in this school. He’s a shape shifter. He can shift into all the shapes he sees. Mabuti na nga lamang at voluntarily. He’s a good looking man, to sum it up. Matalino, kind of the brawling type. He’s got a good amount of tan, fair to be precise. He’s nice, he’s kind, he’s tactful, and he’s also responsible especially with his duty. But one thing makes him different among others.
He hates the Dreasiana Colony. Marami naman ang may galit sa kolonya. But he stands out among them because he just bluntly states his opinion about the Colony without fear. Nakakatawag iyon ng atensyon lalo na sa mga babae kaya’t sa kanyang opinyon, sikat sa Academy si Quincy kahit pa itinatanggi nito iyon.
Sakay ng kotse ay panay turo ni Tsuka sa mga ginagawang podium. Para talagang bata si Tsuka. Masiyahin at madaling mamangha sa mga maliliit na bagay.
Sumilip si Raven sa bukas na bintana. Natatanaw niya ang naglalakihang mga gusali. Mga aircrafts na lumilipad, mga ginagawang airway para sa mga bagong sasakyang panghimpapawid na layong panipisin ang traffic sa lupa.
Many many years ago ay sinakop ng Dreasiana ang bansang Pilipinas. The battle was instigated by the former government, trapping the king and his cronies and killing them. Lingid sa mga ito ay ang tunay na kakayahan ng mga naninirahan sa Dreasiana.
Before the ASEAN visit that time ay hindi pa nila naririnig ang isang kahariang nagngangalang Dreasiana. It’s in Calipto, at the heart of the North Atlantic Ocean. Nang makapasok ang hukbong nagsilbing reinforcement ng hari para labanan ang tropa ng militar at ng gobyerno, noon nila natuklasang pawang mga imortal ang taga-Dreasiana.
Ang dating Sunny Dale, ngayon ay tinatawag nang Alexandria. In a district, they call the cities as ‘zones’. May sampung zone ang Alexandria, from Zone One to Zone Ten. The Academy is in Zone Seven. Katabi ng Alexandria ang syudad ng Helena na mas malaki ng kaunti sa Alexandria at may dalawampung zones. Sanay na ang lahat ng tao sa diktadurya ng Dreasiana Colony. Because, honestly, what more could they do about it?
“Heto na. Salamat sa paghihintay.”
Ginulong ni Quincy ang stroll na naglalaman ng two hundred pieces ng uniforms and jackets palabas ng shop. Iniabot naman ni Raven ang paycheck doon sa saleslady para mabayaran lahat ng two hundred pieces na uniform.
“Ah! Teka lang, Miss Weinlord!” pigil ng babae na nagpalingon sa kanya. “May ibinilin nga po pala si Lady Rouch para sa inyo. Regalo raw po niya sa pagtuturo n’yo sa anak niyang babae. Sandali po.”
Kumunot ang kanyang noo. Paglabas muli ng babae’y iniabot nito sa kanya ang naka-zip lock pang dress na Mixi ang style. It’s a mix of red and black. A little seducing and Raven thinks the Lady Rouch didn’t intend her to wear this on occasion. Tingin niya’y gusto nitong pang-araw-araw niya iyon since every girls around the country wears a dress day in and day out as a sign of modern fashion.
“Uh… no, just tell her I won’t accept such things. Para kasing masyadong…” daring. Gusto niyang sabihin iyon ngunit piniling itikom na lamang ang bibig.
“Naku, Madame, mahigpit niya pong ipinagbilin na kailangan n’yong tanggapin ang ibinigay niya.”
“But… this dress just isn’t my style.”
“Sa ganda n’yo pong ‘yan sigurado po akong lahat ng dress ay babagay sa inyo. Kaya sige na po, tanggapin n’yo na po ‘yan. Quite frankly, gusto ko rin po kayong makita na suot ‘yan. Bagay po kasi talaga sa inyo.”
Pabuntong hininga siyang tumango. “Extend my gratitude to Lady Rouch then.”
“Makakarating po, Madame.”
“Babalik na ba tayo sa school?” nadatnan ni Raven na tanong ni Tsuka kay Quincy pagpasok niya sa sasakyan.
“Gipit na ang oras natin para sa second shift. Nagsisimula na sigurado ang first homeroom. Kaya babalik na tayo ng school.” Nakangiti namang sagot ng binata sa huli.
Naalala niya, maraming nagsasabing ang weird niya dahil sina Quincy at Tsuka lang ang hinahayaan niyang maging malapit sa kanya. Some of the old black bloods thought she’d gone soft since the invasion. Marami na rin naman kasing nagbago sa kanya. For starters, she wiped the nerd look and replaced it with her normal one. Sa tingin niya’y magandang ideya iyon dahil kahit papaano’y umani ng respeto mula sa black bloods ang hanay ng mga Templars at Tempresses. They weren’t labeled annoying anymore. Minsan nga’y cool pa ang tingin sa kanila ng mga baguhang black blood.
Gayunman, sa loob ng apat na taong kasama niya si Quincy ay sa binata lamang siya nakampante. Kung bakit ay hindi niya alam. Maybe because she liked seeing the anger in him when he talks about the Colony. It amuses her to no end. Si Tsuka naman… hindi niya rin alam. Basta’t ang ka-weirduhan nito ay nagpapaalala sa kanya sa isa pang weirdo na minsang naging malapit din sa kanya.
She wondered where they are really now.
Sinapit nila ang gate ng Academy. Pagtuntong nila sa gusali’y katahimikan kaagad ang bumungad sa kanila. Malamang ay nasa kanya-kanya nang homerooms ang mga estudyante. Tutungo na sana sila sa imbakan ng mga uniform nang tumunog sabay-sabay ang kanilang relo na nagsisilbing tanggapan ng mensahe mula sa Academy president o sa mga iba pa nilang kasamahan.
“Oh. We’re called to the office,” wika ni Quincy na naunang nabasa ang mensahe.
Napaarko ng kilay si Raven. What could her father need?
Dumeretso sila sa opisina ng kanyang ama sa central wing ng Academy. Pagdating doon ay agad na pinindot ni Quincy ang signal bell para malaman ng nasa loob na naroon na sila. Seconds later the door slid sideways. Pumasok sila. Nadatnan nilang may limang kalalakihan at dalawang babae na ang naroon kasama ang kanyang ama na si Glenn Weinlord.
Naramdaman ni Raven na nagtago si Tsuka sa likuran nila ni Quincy. Nagtayuan naman ang lahat ng nakaupo sa loob.
“Woah! Is that Raven Weinlord? Nag-evolve ka na!”
Kunot-noo niyang tinitigan ang may sabi niyon. Ang ngiti nito’y unti-unting nawala habang tumatagal ang pagkakatitig niya, nare-realize marahil na hindi siya natuwa sa ibinulalas nito.
Umiling siya’t bumaling na lamang sa kanyang ama. “You called for us?”
Hindi sila close ng kanyang ama. Glenn Weinlord was a… strange man, Raven would often say. Palaging nakatakip ng pulang maskara ang kalahati ng mukha nito. Hindi siya lumaki kasama ito dahil noong bata siya’y kinuha siya palayo. She grew up with the Keeras. Nang mamatay ang mga ito’y saka siya natagpuan ni Glenn. Back then she heard rumors about her father. Na dati raw tagapagsilbi ito ng isang kakatwang imortal na tinatawag nilang Venimous—a half angel and a half demon na ginawa para sa isang misyon.
Whatever that mission is, hindi niya alam. Basta’t ang sabi, nang mawala ang Venimous ay ipinamana nito ang lahat ng yaman at ari-arian sa kanyang ama. Kahit kailan ay hindi niya narinig na nagkwento si Glenn tungkol doon. She never asked anyway. Ganoon ang dynamics nilang mag-ama kaya nga siguro hindi siya naging malapit dito.
“Yes, Raven. But before that, can you turn the sound proof on first?”
Tumalima siya. Ibinaba na rin niya ang camera para walang mai-record na usapan doon. Nang matapos ay muli siyang bumaling sa mga ito na tahimik na pinagmamasdan siya.
“Let me introduce to you the Black Beasts. From left to right: Kill Schneider, Rain Jensens, Seige Gray, Raphael Strides and Spade Arden. Nag-enroll sila for this school year.”
Pasimple niyang itiniim ang kanyang bagang at napabulong sa sarili. “Didn’t saw that coming.”
Alam niyang narinig siya ng mga ito ngunit nagpanggap lamang marahil na walang narinig dahil ayaw na rin sigurong makipag-argumento.
“Ang dalawang dilag namang mga ito ay sina Chichiri Reed—I believe you know her—and Victoria Stealth.”
Naningkit ang mga mata ni Raven. Narinig na niya ang pangalang iyon dati. During the Ascension she’d heard the name over and over again. And she got that funny feeling in her chest na mayroong hindi magandang mangyayari.
“Alright, let’s cut to the chase. What the hell is going on here? Bakit sila narito?”
“Si Victoria Stealth ay isang psychic. Siya ang Lady ng Helena, ang namumuno sa distritong iyon at direct na nagre-report sa mga High Queens—”
“Yes and she’s the one who murdered Sunny Dale’s Mayor and sold out to the Colony during the invasion,” sakmat ni Quincy na may kalakip na pait ang tinig.
Nakakaunawang tumango si Glenn. Tumungo naman ang babae na tila nasaktan.
“Quincy, Sunny Dale is long dead. Pakiusap, hijo, para na lang sa kaligtasan mo, maghinay-hinay ka sa pagsasalita laban sa kolonya. Baka iyan pa ang maging dahilan ng pagkamatay mo. Isa pa… si Victoria ay biktima rin at nangangailangan siya ng tulong kaya siya sa Academy nagtungo. Both the Black Beasts and she entrusts their life to us. Kailangan nila ng proteksyon ng Academy kaya sila narito.”
Nalukot ang mukha ni Quincy at napatingin sa kanya. “Raven, you know this is nuts! Ang Academy ay eskwelahan at hindi kanlungan ng mga taksil! We’re going to put the students at risk kapag kinanlong natin ang isang ‘yan!”
“If I were you, I’d watch my mouth, boy,” napakurap si Raven nang magsalita si Kill na matalim ang titig kay Quincy. “O baka pagpira-pirasuhin ko ‘yan kapag narindi ako sa ‘yo.”
Nasapo ni Raven ang noo. May punto si Quincy, may punto rin ang kanyang ama. So what on earth should she do?
“Much as I’d like to give you a choice, I can’t,” may lungkot sa tinig ni Glenn nang muling magsalita. “Raven, I’m assigning you together with Quincy and Tsuka to make sure that Stealth is going to be safe here. Work with the Black Beasts. I’m going to trust that you’re going to do the right thing here, love.”
Mariing napapikit si Raven. Napipilitan siyang tumango. Ang gulat niya nang mag-walkout si Quincy doon. Nang magpaalam siya kay Glenn ay nakakaunawa naman itong tumango.
Dumeretso siya sa Ilumina kasama si Tsuka. Kagaya ng inaasahan niya’y naroon nga si Quincy at hindi mapakaling nagpapabalik-balik ng lakad. Nasa mukha nito ang galit.
“I can never accept that! That’s just plain cruel, Raven! Protect a person who allied with my enemies? Crazy! They are crazy!”
“We know.”
“And stop answering me that way because it’s annoying!”
“We know.” Wala naman na kasi siyang ibang masagot. She isn’t any good with this consoling thing.
He muttered a simple ‘Ugh’ before slumping to the couch. He sighed as he bring his face to his palm and c**k his head down while both his elbows rested above his knees. Tumingin sa kanya si Tsuka na may halong concern sa mga mata. May sinasabi ito sa kanya na hindi niya naman maunawaan hanggang sa narinig niya ang tahimik na pagsigok ni Quincy.
Namilog ang kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng awa sa binata—which surprised her at the same time—at niyakap ito para patahanin at pagaanin ang loob.
“They killed the ones I love, Raven. I hate this world! I hate them! I hate this f*****g Colony!”
Hindi makapaniwalang nakatitig lang si Tsuka.
Raven felt his arms snake around her waist and he cried and cried, reminiscing the bitter memories of his loved ones dying in the hands of the Colony that almost everybody hates.
“Nagagalit ako sa kanila dahil wala akong magawa, nagagalit ako sa kanila dahil hindi nila ako nagawang patayin, nagagalit ako sa kanila dahil hinayaan nila akong masaktan habang pinapanood na pahirapan ang mga magulang ko sa harapan ko. Galit ako sa kanila, Raven. Galit ako sa kanila.”
Bumuntong hininga si Raven. Pinatay ng mga tauhan ng kolonya ang pamilya ni Quincy. Gobernador ang ama nito na kasapi ng mga nagrerebolusyon sa Dreasiana sa unang taon ng Ascension. Pinatay ng kolonya ang buong pamilya ng binata sa harapan nito at iniwan itong buhay para raw magsilbing tanda iyon sa mga magbabalak pang mag-alsa laban sa bagong gobyerno.
She understood the pain. And most of all, she understood the anger.
“If you really are mad about them, why not destroy them? It takes one to act and change the world after all, right?”