25th Blood: Dark “Love can always turn darkness into a place where one can seek the light and ignite it.” IMPOSSIBLE… This is impossible! “Yale? Yale!” Kill heard the underlying panic in his voice pero wala siyang pakialam. Nagulat siya at hindi niya itatago iyon. “Yale, nasa’n ako? Hindi ko alam kung nasaan ako!” “Kill…” He couldn’t believe his eyes. Mula sa masusing pagsusuri nito sa kung anumang bagay iyon na hawak, sa kanya na ito ngayon nakatingin. Natawag marahil ng pagsigaw niya kay Yale ang atensyon nito. Then he was even more dumbfounded nang mapagtanto niyang pareho lang silang gulat na gulat ang ekspresyon. “Kill, ano’ng ginagawa mo rito! Hindi ka dapat na nandito! Ano’ng—” “Nahanap mo na ba siya?” came Yale’s

