Miss ,gumising ka, taga saan kaba at ihahatid kita? tanong ni sergeant kay Alice.
Hmmmmm, yun lang tanging sambit niya ,sa kalasingan ay di talaga makapagsalita si Alice, tinanong niya si captain
Captain anong gagawin natin? Saan ko to ihahatid?
Di pa nga nakasagot si captain ay biglang tumakbo naman si Nicole na pasuray suray sa labas.
Sergeant,ikaw na bahala,susundan ko lang yong isa
Napakamot nalang si sergeant Lyndon sa ulo nya.
Miss ,saan kita ihahatid?
Pautal utal na sumagot si Alice ....
Sa tourist hotel
Inalalayan na nga ni sergeant si Alice papunta sa labas ng bar at pumara ng taxi, Sa taxi naman ay nasusuka si Alice,
Opppsss miss, wag ka magkalat dito,lumalayo sya sa babae, nauuntog naman ang babae sa sasakyan kaya naaawa syang lumapit at pinasandal sa balikat niya, napapikit nalang siya kung sakaling masukahan siya, payapa naman ang babae na natulog kaya napangiti nalang siya.
Si Nicole at Gabriel naman ay tila naghahabulan
Miss,ano ba?tumigil kana,maaaksidenti kapa sa ginagawa mo
Si Nicole ay sobrang lasing na,kumakanta,umiiyak,tumatawa habang si Captain ay nakasunod lang, nakakabangga na si Nicole ng mga taong naglalakad doon kaya pinasan nalang niya ito, nagpupumiglas ang babae
Stop it miss , taga saan ka? ihahatid na kita
Tumatawang sumagot si Nicole , taga doon.
Napataas kilay ni Captain, saan doon miss?
Di na ito sumagot dahil nakatulog na pala ito,
Hey miss !!!!!!! wake up !! Saan ba? (Hindi na talaga sumagot ang dalaga kaya minabuti niyang ihatid nalang ito sa isang hotel.
Nasa reception desk sila, hindi sila magmukhang mag karelasyon sa halip parang kidnapan ang sitwasyon dahil pasan ng lalaki ang babae ,pero di naman na alarma ang receptionist dahil wala sa hitsura ng lalaki na kidnapper, parang magkarelasyon na nag aaway lang.
Miss? room for one please.
For one person lang po ba sir? nagtatakang tanong nito
Yes please....napansin ni Gab na nagtaka ang attendant kaya naisip niyang sabihin My girlfriend needs to rest and I need to work.
Oh I see...nakangiti ang babae, sa isip niya napakaswerte naman ng babae dahil napakagwapo ng boyfriend nito,naiingit siya, kailan kaya siya makakahanap ng lalaking katulad nito, halos lahat ng receptionist ay napatitig sa lalaki.
Heto po sir, nasa 2nd floor room 105
Okay thanks
Umakyat na nga sila sa 2nd floor na pasan pasan ni Gab ang babae, pagpasok ng room dahan dahan niyang nilapag ang babae sa kama pero bigla siyang niyapos nito at akmang hahalikan siya , sa isip naman ni Nicole ito ay isang panaginip, pero imbis na halik ay sumuka ito sa dibdib niya.
Ohhhh..... Shittttt....
napasigaw siya
Si nicole ay walang malay habang napakadumi ng damit.
Tumawag si Gab ng may edad na cleaning lady para mapalitan ng bago ang unan at bedsheet, pumasok naman ang attendant na may dalang bagong unan at bedsheet.
Manang,meron ba kayo shower dito aside sa andito sa loob?
Yes sir meron po , straight ka lang po tapos paliko sa left andon po.
Thank you manang, napagawi naman tingin niya sa madungis na babae
Manang, pwedi po pasuyo paki linisan po siya , mahirap naman po pag ako eh, ngumiti si Gab.
Sige po walang problema.
Lumabas na nga ng room si captain habang nililinisan ng attendant si Nicole, makalipas ang ilang minuto bumalik na naka tuwalya lang si Gab at bitbit ang damit niya na sinukahan ng babae ,
Tapos napo sir nalinisan kona po si maam ,kinumotan ko nalang po kasi wala siya damit ,sinampay ko sa loob ng banyo ang damit niya .
Salamat po , kumuha si Gab ng pera sa wallet niya at binigay sa babae
Ay wag na po sir , serbesyo na po namin yan.
No I insist , take that manang
Nahihiya man ay tinanggap na ng babae at nagpasalamat
Lalabas na sana ang attendant
Ay manang may dryer ba dito?
Yes po sir nasa roof top po.
Pwedi paki dry nalang ito ,di maganda lumabas Ako ng nakatuwalya lang , Napangiti ang babae dahil kinilig siya sa binata
okay po sir ,ihahatid ko nalang to pagkatuyo na.
Tumango si Gab.
Lumabas na ang attendant na kinikilig
Tiningnan ni Captain si Nicole habang nakapikit , sa isip niya kasama niya isang magandang babae at hubad na nakabalot lang ng komot , ang ganda ng babae,matangos ang ilong at napakabango nito nakatitig lang siya kay Nicole ng biglang tumunog ang kanyang cellphone ...
kring.......kring....
Nasa linya si sergeant Lyndon
Hello ,captain?
Sergeant anong balita?
Nahatid kona si alice sa hotel na tinutuluyan niya at pabalik na ako ng kampo.
Wow alam mo na pangalan ah
Tumawa si sergeant
Lasing na kasi kaya hinanap ko sa bag ang susi ng room niya di sinasadya nakita ko ID niya.
Oh I see (pabirong sagot ni captain)
Asan kana Capt?
Hinatid ko lang sa hotel ang babae ,babalik na Ako ngayon.
Cge captain , Bye , Dahan Dahan lang dahil nakainom ka din.
Okay.
Habang hinihintay niya ang damit niya ay umupo siya sa kama habang nakatingin sa babae , Inayus niya ang kumot dahil gumalaw ito at nakikita ang mga makikinis na Binti nito , napalunok siya. Si Nicole naman ay iniisip na panaginip lahat ng yon, may kasama siya sa loob ng kwarto at napakabango ng lalaking kasama niya.
Si captain at natutuksong halikan ang babaeng nasa harapan niya, sobrang lapit na ng kanilang mukha ngunit huminto siya , sa isip niya hindi siya mananamantala ng babaeng lasing, akmang ilalayo na nga niya ang kanyang Mukha pero hinatak siya ni Nicole at hinalikan nito , sa isip ni Nicole hindi masama makalimot kahit sa panaginip lang
, natigilan si Gab pero patuloy parin na humahalik ang dalaga, sobrang lambot ng labi ng dalaga sa isip ni Gabriel gusto niya magpigil pero pano nga ba pipigilan ang bugso ng nadarama niya sa oras na yon ,
Hindi na nagpigil si Gabriel , tumugon na siya ng halik at gumagalaw na din ang kanyang mga kamay , naglalakbay na ito sa katawan ng babae, Naalarma na si nicole ,panaginip ba ito totohanan? dahil dama ng katawan niya ang haplos nito , gusto niyang umurong na,
hindi to panaginip , totoo na to nagyayari sa akin , sigaw ng isip niya , pero huli na, nagugustuhan na niya ang mga haplos ni gabriel , huli na para pigilan ang sarili niya , nadadala na siya sa sensasyong hatid ng mga haplos at halik nito.
Oh God !!! Sa isip
niya, di niya na kaya sawayin ang sarili niya , napakabango ng kasama niya , nalulong na siya ,
Alam na niya na hindi ito panaginip, pero bahala na , gusto niya ang nararamdaman niya , tumigil si Gab sa paghaplos at paghalik sa kanya dahil nakadama siya ng pag aalinlangan dito pero humalik si Nicole at binigyan siya ng assurance na handa na siya , namimisil na ang babae sa kanyang katawan at muscle hanggang sa tuluyan silang nakalimot ,
Sa gabing yon ay hindi lang isang beses kundi limang beses nilang pinagsaluhan ang sayang nadarama. Sa isip ni Nicole napaubaya Niya ang sarili sa lalaking di niya kilala hanggang sa nakatulog na siya sa isiping yon.
Tumitig naman si Gab na nakangiti sa natutulog na babae sa kanyang mga braso , halatang napagod ito ng husto, Hindi niya pinagsisihan ang nangyari , sana ganun din ang babae, tiningnan niya ang oras at alas 3 na ng madaling araw, mapagbiro ang tadhana, nakilala niya ang babae kung kilan aalis siya at ma dedestino sa isang sitio sa loob ng 6 na buwan, ayaw man niya iwan ang babae ngunit kailangan niya na bumalik ng kampo , paalis na sila ng Alas 5 ng maaga, dahan dahan niyang kinuha ang braso niya at bumangon, naibalik na ang damit niya kaya nagbihis siya ng dahan dahan para di madistorbo ang natutulog na babae,
kumuha siya ng papel at nagbilin ng note , 'I HAVE TO GO, PLEASE MESSAGE ME +86393737383. from Gab .
Lumabas na nga siya papunta parking lot at sumakay na ng kotse papunta sa kampo
Nag riring phone niya
kring....kring... kring...
Captain, Asan ka? di ka nakauwi kagabi? Hinahanap kana ni kernel
I'm on the way, I'll explain later .I'll be there in less than 30 minutes at pinaharurot na nga niya ang sasakyan pabalik ng kampo.