After 4 years.. Napag-pasyahang lumayo ni Savannah at Sandra at manirahan sa lugar na walang nakakakilala sa kanilang magkapatid. Iwas iskandalo para kay Savannah at paglimot naman sa panget na nakaraan para kay Sandra. The first few years of their lives is the hardest. May ipon man sila ay sapat lang na pang-upa sa maliit na apartment. Buntis pa ang kanyang kapatid noong panahon na iyon. Napilitan tuloy silang mangutang ng malaking halaga sa isang loan shark. Panimula sana sa isang maliit na business. Pero minamalas yata talaga sila dahil ang perang inutang nila ay na-scam. Ang mga beauty product na pang-benta sana online ay mga peke pala. Idinemanda sila ng mga costumer na nasunog ang balat. Swerteng pumayag ang mga ito na makipag-areglo na lang kaya mas lalo silang nabaon sa utang. N

