"PASENSYA ka na kagabi, Savannah." Kakamot-kamot sa batok na paumanhin ni Theo. Niyaya siya ulit magkape ng lalaki. Matapos niyang ibigay ang mga crinckles na order ng mga kaibigan nito. "Hindi ko naman alam na naroon pala si Noah, sa condo na tinutuluyan mo. You two broke up right?" Napabuntong hininga si Savannah sabay sumalong-baba. "It's complicated, Theo." "Paanong komplikado?" Umiling siya. "Mahabang istorya baka maubos ang isang araw kapag kinuwento ko sa'yo" sagot niyang tulala sa baso ng kape. Napailing-iling si Theo. "Akala ko nga sasapakin na ako kagabi. He told me to back off and stay away from you." Iyon siguro ang naulinigan niyang sinasabi ni Noah kay Theo no'ng nasa kusina pa siya. Of course he will say back off. Mahal yata ang binabayaran nito sa kaniya. "Pasensya k

