KUNG maaari lang na isubsob ni Savannah ang mukha sa platong kinakainan niya ay kanina pa niya ginawa. Imagine nahuli sila ng nanay ni Noah sa hindi ka-nais-nais na tagpo! Kung bakit ba naman kasi ang tanga-tanga niya at nakalimutang may kasama nga pala sila. Nagpadala siya sa hinaing ng katawan. Mabuti na lang hindi nagsalita ng kung ano man ang nanay ni Noah. Akala niya kasi papangaralan sila. O, baka si Noah na lang ang pangaralan nito. "Babe, are you okay?" Bahagyang ibinaling ni Savannah ang tingin sa katabing nobyo. Nag-aalmusal na sila at nakahanda na papunta ng university. Tumango lang siya at ngumiti tsaka ibinalik ang atensyon sa pagkain "Ba't ang konti mo kumain ngayon??" Gusto na namang mag-ngit-ngit ng loob ni Savannah. Ang damuho parang hindi nakakaramdam. Ni hindi n

