PAGDATING nila sa apartment piniringan ni Noah ang mata niya ng panyo bago bumaba ng sasakyan. "Hey..," anya habang naglalakad sila paakyat sa aparment. "Para saan ba 'to? Ba't may blindfold pa?" hinawakan ang mga matang napipiringan ng kulay dilaw na panyo. "Just wait," anito na nasa likuran niya at inaalalayan siya. Narinig niyang binuksan nito ang pintuan. Iginiya papasok sa loob. Ilang hakbang lang ay huminto din sila sa paglakad. "Are you ready? Hmmm.." bulong nito sa tainga niya. "Kinakabahan ako.." She heard him chuckled then slowly he removes her blindfold. Ilang beses na kumurap-kurap si Savannah bago luminaw ang nanlalabong paningin. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita ang mga painting materials na nakapatong sa ibabaw ng sofa. Kumpleto na ang

