"Surprise.." he whispered. Natulala si Savannah sa puting pader sa harapan niya. Puno iyon ng black and white portrait nilang mag iina, may tig-solo ang kambal na parehong nakangiti, may nakasimangot, stolen shot, naglalaro, kasama na rin doon ang paintings na galing sa gallery pero ang pinaka kumuha sa atensyon niya ay ang lumang picture nila ni Noah. four years ago.. He's hugging her from behind. He's face buried on her neck. The sunset as their back ground, they look really happy and inlove. Lumingon siya kay Noah na nakatitig sa kaniya. "W-what is this?" tanong niyang inikot ang paningin sa paligid. Nakatayo sila sa gitna ng malawak na living area. Maliwanag ang buong paligid. Dahil sa kulay kremang pintura ng buong bahay, cheery hardwood naman ang flooring, may chandelier sa g

