"Wow! Ang cute naman ng mga babies namin!" palatak ni Sandra na nakaupo sa sofa ng lumabas sila sa silid. Nagtext na si Noah na on the way na raw ito. At tulad nga ng napag-usapan nila sa bar nung nakaraang linggo, ipapasyal nila ngayong weekend ang mga bata. Nag-leave na lang siya sa trabaho. "Thank you, Tita Sandi," nakangiting sagot ng kambal na umiikot-ikot pa sa harap ni Sandra. Napili niyang suotan ng red summer sleeveless dress na may printed na white flower ang kambal. Katerno ng sa kaniya. Kaya mas lalong umangat ang mapuputi nilang kutis. "Aba, ikaw din pala, Ate Vanni. Blooming," pang-aasar nito. Naaabutan kasi nito sa umaga kapag hinahatid siya ni Noah pauwi. Talaga ngang pinangatawanan ng lalaki na araw-araw siyang antayin sa bar. Hindi nga niya alam kung paano pa ito na

