Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess White Queen) Naisipan kong maglakad-lakad muna habang hinihintay ko ang tawag ni Ate Zea. Pinabayaan ko na sa kanila ang pagche-check sa kundisyon ni ZerHia dahil wala naman akong maitutulong dun. Isa pa, kailangan ko ding mag-isip dahil sa mga nalaman ko. Masaya ako dahil nalaman kong tulad ni Heine, nakaligtas din si Calistha sa trahedyang kinasangkutan namin noon. Pero hanggang ngayon, napapaisip ako sa kung paano nangyari yun.. Nakita ng dalawang mata ko na binaril sila ni Elleana. Ang pagtalsik ng dugo mula sa katawan nila. Ang pag-agos ng dugo palabas sa katawan nila.. Lahat, malinaw pa sa memorya ko.. Kaya paano?? Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa langit. "ito ba ang sinasabing tadhana??" Hindi pa sila nakatadhanang mamatay ng mga oras

