Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess Piece's White Queen) F*ck!! F*ck!! F*ck!! Ano bang sumapi sa kanila at naisipan nilang pumunta dito?? Alam nilang napakadelikado ng sitwasyon ngayon lalo na at nananahimik si Elleana at Ang Carmello. Aaarrrggg!!! Hindi pa sila nagsabi sa akin.. Paano nalang pala kung nakatunog ang mga kalaban namin?? At dahil nga sa biglaan nilang pagdating, napilitan kaming bumaba ni McKenzie sa tower para puntahan ang mga matatanda. "Mom!! Dad!!" sigaw ko nang makapasok ako sa restaurant kung nasaan sila. Mukhang pina-reserve nila ito dahil buong Chess Pieces lang ang nandito kasama ang mga magulang namin. "My Princess.." sinalubong agad ako ng parents ko at niyakap. Gusto ko sanang sermunan muna sila pero dahil na-miss ko din naman sila, ipinagpaliban ko na yun

