Yzianna Javier's Pov Dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko magmula pa kagabi, naisipan kong pumuslit uli palabas ng Hellion Academy.. Pero hindi para pumunta ng Arch Fend.. Dito ako dumeretso sa mall para libangin ang sarili ko. Wala akong planong magpakita kay Zeron ng ganito ang itsura ko. Kasi naman, dahil sa kakaiyak ko kagabi, heto sobrang namamaga ang mga mata ko. Medyo namumula pa din ang ilong ko at maputla ang mga labi ko. In short, ang panget-panget ko. Baka lalo nya akong ayawan kapag nakita nya ang itsura ko. Hindi naman porket sinabi nyang ayaw nya akong mahalin eh isusuko ko na agad ang pagmamahal ko sa kanya. Syempre, nasaktan lang ako at kailangan ko lang magpahinga.. Hindi ko naman sasayangin yung tatlong taon kong paghihintay lalo na ngayong nagsisimula na nya ak

