Francelle Shen Irie's Pov (Chess Piece's White Knight B1) "Owen.." Bumaling sya sa akin at isang masamang tingin ang ipinukol nya sa akin. Nandito na kami sa bahay ko kung saan ko dinala si Owen. At dahil alam ko ang kakayahan nya, ipinakulong ko muna sya pansamantala sa kwarto ko. Yung butler ko naman ang nag-aasikaso sa kanya. "hanggang kailan mo ako ikukulong dito, Francelle??" bakas ang matinding galit sa boses nya. "hangga't hindi tayo nagkakaayos.." naupo ako sa sofa na katapat ng kamang inuupuan nya. "alam mo naman na pinakaayoko eh yung nag-aaway tayong dalawa.." "wag ka ng umasa dahil hinding-hindi na tayo magkakaayos.." ibinaling nya ang tingin nya sa labas ng bintana. "pakawalan mo na ako.. Marami pa akong dapat alamin." "alam kong mahalaga sayo'ng malaman ang totoong nan

