ZerHia Aquamarine Xermin's Pov (Chess Dark Queen) Tulad ng usapan nila Ate Zaire at McKenzie, palihim kaming lumabas ng Hellion Academy kasama si Dhairyl na anak ni Klarissa gamit ang isang sasakyan na hindi ko inisip na masasakyan ko. Isang Bugatti Chiron. Sigurado akong bagong-bago ito at wala pa yatang nakakakilala dito dahil halos hindi kami pinapansin ng mga tuta ng Villaluz kahit na nagkalat lang sila sa kalsadang dinadaanan namin. Kailangan naming marating ang Fiendish ng hindi nakakalikha ng gulo kaya naman, napapalayo ang daan namin. Hindi kami pwedeng makaagaw ng atensyon. Pare-pareho naming ayaw ma-involved si Dhairyl sa magulo naming buhay at hindi ko pa din kakayaning lumaban. Masyado pa akong mahina dahil sa pesteng sakit ko. "Makakalagpas kaya tayo sa dami ng nakabantay

